CHAPTER 70

23 10 0
                                    


ITO NA ANG INAANTAY KONG POV🤣🤭

FLEVIOUS POV

Agad akong lumapit kina binibining aliho at prinsesa zyleigh nang matumba sila, dahil sa pag-atake ng kawal ng kaharian ng Azrya.

Patungo na kami sa kaharian ng sykan upang dumalo sa pagtitipon. Ngunit nakakapagtaka kung paanong nagawa kaming salakayin ng mga kawal ng Azrya.

Tinutok ko ang aking spada sa isang kawal na umaastang tatakas. Nag-iisa nalang siya at bago ko siya babawian ng buhay ay kailangan ko munang malaman kung sino ang nag-utos sa kanila upang abangan kami at salakayin.

"Sino ang nag-utos sa inyo?" galit na tanong ko sa kanya. Agad siyang umiling, mukhang ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang may pakana nito.

Tatanungin mo na sana siyang muli ngunit nagulat ako nang bigla nalang siyang natumba. Agad akong napalingon sa bandang likuran niya at kumunot ang aking noo nang makita di kalayuan, ang isang nilalang nakatutok pa ang pana nito sa gawi namin. Lalapitan ko na sana ito ngunit natigilan ako nang sumigaw si prinsesa zyleigh.

Agad akong tumakbo papunta sa kanila.

"Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Sa tingin ko ay malubha ang kalagayan ni binibining aliho." anang pinagkakatiwalaan kong kawal na si hudson.

"Kailangan natin siyang ibalik sa kaharian." nag-aalalang ani ko.

"Ngunit paano ang pagtitipon mahal na hari?" tanong ni hudson.

Hindi ako nakasagot, naguguluhan din ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Mas mahalaga ang buhay ng kapatid ko." umiiyak na ani prinsesa Zy.

"Dadalo sa pagtitipon ang lahat ng hari at iba't ibang mayayamang angkan. Nasisiguro kong ayaw ni haring pucini, na hindi makadalo ang hari ng askati forest at lalo ka na, mahal na prinsesa." mahabang lintanyang ani hudson.

Tama siya, at sa pagkakakilala ko sa aming amang hari ay nasisiguro kong hindi niya palalagpasin ang ganitong pangyayari, ayaw na ayaw niyang nababastos siya ng kahit sino.

"A-Ayos lang ako."

Sabay kaming napatingin kay binibining aliho nang magsalita siya. Tumayo siya na agad ko namang inalalayan, at saka ngumiti ng pilit.

Batid kong iniinda niya ang sakit, nasaksak siya ng spada sa tagiliran niya at nasisiguro kong nanghihina siya.

"Sure ka ayos ka lang? Balik na muna tayo sa askati." nag-aalalang ani prinsesa zyleigh.

"Maaari kong samahan si aliho bumalik sa kaharian upang makadalo kayo sa pagtitipon." presenta ni Xyvyn, ang pangunahing kawal ng Zlatan.

"H-Hindi na, ayos lang talaga ako. Tsaka baka hinihintay na tayo sa kaharian ng sykan." pigil ni binibining aliho.

"Kung ganon ay bilisan na natin upang makarating na tayo agad, magdidilim na at nasisiguro kong mas delikado ang paglalakbay natin patungo roon." ani hudson. Agad kaming sumang-ayon sa kanya.

Nagsimula na muli kaming maglakad patungo sa kaharian ng sykan.

Nanatiling nakabantay si xyvyn sa at prinsesa zyleigh kay binibining aliho na ngayon ay namumutla na dahil sa sugat nito.

"Nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa kanya." ramdam kong lumingon si hudson sa akin nang sabihin ko iyon.

"Kapag nakarating tayo sa bayan ng sykan ay maaari tayong tumuloy sa bahay panuluyan doon, upang magamot siya ng prinsesa, at makapagbihis na rin kayo, mahal na hari." ani hudson. Tumango ako kahit sobrang nag-aalala pa rin ako kay binibining aliho.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now