CHAPTER 65

15 10 0
                                    


KENJI'S POV

NAKARATING kami sa isang napakagandang gubat at napakagandang ilog falls. Ang linaw ng tubig kaya kitang kita ang magagandang bato at buhangin sa ilalim, meron rin mga magagandang bulaklak na nakalutang na nakapagpabango ng ilog. Malawak at sa tingin ko ay malamig ang tubig. Meron naman kadugtong ang ilog na parang pool at sa tingin ko ay hot spring.

Kagaya ko ay manghang mangha pa rin ang mga kaibigan ko na nakatingin sa ilog.

"WOW!" rinig kong usal ni krixi habang nakanganga pa ring nakatingin sa napakagandang ilog.

"Wala kayang halimaw jan?" tanong ni Ica. Mukhang na trauma na siya sa nangyari sa amin noon sa magandang ilog din.

"Baka wala, eh si haring flevious nagdala sa'tin dito." sagot ni reese.

"Maligo na kayo." rinig naming anang hari kaya sabay sabay kaming napalingon sa kanya.

"Doon ako sa kabila at magsaya kayo riyan sa malamig na batis." nakangiting aniya.

"Napakaganda rito, mahal na hari. Sigurado akong matutuwa ang aking lolo kung narito siya kasama natin." masaya at tuwang tuwang ani Nami, ang dalagitang elf.

"Sa susunod ay patutungo muli tayo rito at maaari natin silang isama." nakangiting anang hari sa kanya.

Sobrang bait ni haring flevious pero nahihiwagaan talaga ako sa vibes at pakikitungo niya kay Aliho. Pakiramdam ko ay kailangan kong bantayan si Aliho para sa kanya. Hindi ako galit sa hari dahil sa ginawa niyang pananakot kay Aliho gamit ang ahas niya, galit ako sa sarili ko dahil hindi ko na nagagawang protektahan ngayon ang kaibigan ko.

Sabay sabay kaming napalingon kay Aliho nang tumalikod siya at naglakad paalis.

"Aliho, saan ka pupunta? Maliligo na tayo." agad na tanong ko sa kanya.

"Wala ako sa mood lumangoy." sagot niya at saka umalis.

Susundan ko na sana siya pero pinigilan na ako ni Xyvyn.

"Hayaan na muna natin siya. Kilala naman natin yan, kung ayaw niya ayaw niya. At isa pa, mas gusto niya ang mag isa." ani xyvyn.

"Oo nga. Sa ganyang mood ni Elijah, mahihirapan tayong makausap o makasama man lang siya. Mas gusto niya kasi ang mag isa kapag wala siya sa mood." sang-ayon naman ni krixi. Bumuntong hininga nalang ako at tinanaw nalang ang papalayong aliho.

"Saan siya pupunta? Baka lumayo siya at mapahamak." nag-aalalang tanong ko.

"Hahaha ikaw talaga kenji, parang hindi mo kilala ang kapatid ko ah?" natatawang ani Zy.

Napayuko ako, sa aming lahat ay mukhang ako lang ang sobrang OA para umasta ng ganun. Oo nga naman, mas magaling pa nga pala si Aliho makipaglaban kumpara sa'kin.

"Tayo na maligo!!" biglang sigaw ni cypher at tumakbo papunta sa ilog/batis. Natatawa namin siyang pinanood nang walang ano ano'y tumalon siya roon.

"Parang bata talaga umasta ang isang 'yon." napapailing na ani krixi.

"Yeah, but he's cute." ani reese. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Bakit? Cute naman talaga si cypher ah? Cute gawing pet." mataray na ani reese at saka naglakad na rin papuntang batis.

Sumunod na rin kaming magkakaibigan at lumusong sa tubig. Sobrang sarap, hindi gaano malamig ang tubig. Sobrang bango rin ng amoy at ang sarap tingnan ng ilalim dahil sa ganda ng mga bato at buhangin. Parang mga naging marmol ang kulay nila.

Nagulat ako nang biglang sinabuyan ako ng tubig ni krixi. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya ng may pang-aasar. Sinabuyan niya uli ako at this time dalawa na sila ni pres Ica.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now