CHAPTER 31

47 10 1
                                    


ZYLEIGH'S POV

SOBRANG lakas ng ulan, kasalukuyan kaming nakapila ni reese dito sa cafeteria para mag lunch.

"Uy alam mo ba? May nalaman ako." bulong ni reese sa'kin.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan, kelan pa siya naging tsismosa?

"Para kang tsismosa sa kanto." biro ko sa kanya.

Ngumuso lang siya sa'kin at saka umayos ng tayo.

"Sa ganda kong 'to? Mygod Zy!" maarteng aniya. Natawa naman ako sa kanya at saka tumingin na uli sa menu.

Um-order lang ako ng caldereta with rice, then bottled water. Nang maibigay sa'kin ang order ko ay inantay ko naman si reese na matapos um-order. Nang matapos ay sabay kaming naglakad pabalik sa table namin.   

Pero bigla nalang may pumatid sa'kin dahilan para muntik na akong madapa at lumipad ang tray ko hanggang sa magkalat ito sa sahig.

'Ano na naman ba 'to?'

"What's wrong with you? Dika talaga nakakatagal ng hindi gumagawa ng eksena noh?" sigaw ni reese kay Malija.

"Ohh well, bagay lang sa kanya 'yan. Scholargirl, pulutin mo 'yang food. Sayang naman. Baka umiyak ang parents po dahil nagsayang ka ng pagkain. Hahaha." maarteng sabi ni Malija, agad na nagtawanan ang mga kasama niya.

"Atleast scholar siya, that means matalino at may utak. Eh ikaw? Mukhang natuyo't na ang utak mo sa kapal ng make up mo!" di talaga papahuli sa pagtataray si reese.

Hinawakan ko siya sa braso.

"Wag mo na patulan." awat ko sa kanya.

Nang akmang tatalikod na sana kami ay biglang may sumulpot na tatlong babae at umastang sampalin ako, mabuti at mabilis na napigilan ni reese ang kamay niya.

"Isa ka pa! Nuknukan ng panget sumobra sa make up, sino ka naman?" mataray na sabi ni reese at saka hinila ang buhok ng babaeng yun.

'Sino ba 'tong mga 'to?'

Hindi ko sila kilala pero nakakagulat na bigla bigla silang susulpot sa harap ko tapos mananampal?

'WTF???'

"Awwww Let go of me!" sigaw ng babae dahil sinasabunutan siya ni reese.

Gusto ko namang humanga sa kaibigan ko. Hila-hila niya ang buhok ng babae sa kanang kamay niya at nanatili namang nasa kaliwang kamay niya ang tray ng pagkain niya. Paano niya nagawa ang makipag-away ng hindi nabibitawan ang pagkain? Hahaha ibang klase talaga.

"Ang lakas ng loob mong manampal, eh di mo nga kayang alisin 'yang buhok mo sa kamay ko." sigaw niya pa.

Astang susugod na yung dalawang kasama nitong babae pero biglang dumating si Ica at galit na sumigaw.

"Anong gulo na naman 'to?" sigaw niya, hindi makapaniwalang tumingin kay Reese.

Si Ica, never ko pa nakitang ngumiti pagdating sa amin ni reese. Parang palagi siyang masungit at mainit ang ulo sa'min.

"Kayong tatlo, hindi ba't pinapapunta raw kayo ni Kenji sa guidance office? Ano't nang-gugulo kayo dito?" galit na tanong ni Ica sa tatlong babae.

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Pero pres, unfair naman masyado. Hindi naman kami ang nagsimula ng gulo sa classroom. Yung malanding si Elijah ang nagsimula." anang isang babae.

Nagulat ako dahil narinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

"Oo nga pres, nilande niya ang boyfriend ni kim. Tapos nagkunwari pa siyang biktima para kampihan siya ni Kenji. She's trying to fool kenji too." anang isa pang babae.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now