CHAPTER 66

19 9 0
                                    


ELIJAH'S POV

NANG IHAGIS nila ako ay mabilis akong lumangoy papunta sa ilalim ng bato kung saan nila ako hinagis. At nang tumalon yung apat at sumisid, agad din akong lumangoy paahon, nang hindi nila nakikita. Nagtataka naman ako sa mga kaibigan naming babae, kung paanong hindi nila ako nakitang umahon o naramdaman man lang na lumapit sa kanila.

Sobrang nag-eenjoy ako sa tubig nitong batis, hindi gaanong malamig at ang bango pa. Malinaw at malinis. Lumingon ako sa taas kung saan naroon ang mga kaibigan ko, pero agad kumunot ang noo ko nang ang gagong hari ang nakita ko. Wala siyang kasama at nakaupo sa bato habang nakatingin sa akin.

'Nasaan ang iba?'

Mga walangya talaga! Iniwan nila ako? Tapos ito pang isip batang hari ang naiwan? Nasaan ba mga yun?

"Kay sarap mong pagmasdan na nasisiyahan ka sa tubig." rinig kong anang hari.

Inirapan ko siya at tumalikod saka sumisid ng sumisid. Sana ay may shokoy dito tapos, kainin yung isip batang hari.

"Maaari ba kitang samahan jan?" rinig kong tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at sisisid na sana uli pero gulat akong napalingon sa kanya nang marinig kong may tumalon sa tubig. Pag-ahon niya ay nakangiti na siya sa harapan ko, as in nasa harap ko talaga. Ilang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa.

Agad ko siyang tinulak palayo at lumangoy. Narinig kong tumawa siya at tinatawag ko.

"Kapag aahon ka sa tubig ay tatawagin ko si flurry." rinig kong aniya. Agad akong natigilan at inis na lumingon sa kanya.

"Ano ba ang kailangan mo sa 'kin? Bakit ba ako nalang palagi ang nakikita mong bwesitin?" inis na tanong ko sa kanya. Natawa siya uli at mas lalo akong nainis.

"Kumusta ang iyong pakiramdam?" biglang tanong niya. Ramdam ko rin na sincere siya sa pagtatanong. Parang bigla tuloy akong naguilty.

"Maayos na." maayos na sagot ko.

Ngumiti siya sa'kin at aaminin kong sa ngiti niyang iyon ay parang biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Parang nawala lahat ng inis ko, sobrang ramdam kong pure ang mga ngiti niyang 'yon.

Napaangat ako ng tingin nang may magbagsakang mga petals ng bulaklak, iba't ibang kulay at ang gaganda. Parang biglang umulan ng mga petals dito sa batis. Namamangha ko itong tinitingnan at sobrang sarap nun sa pakiramdam. Parang nawala lahat ng sakit sa katawan at pagod ko. Sobrang natutuwa ako sa mga nakikita ko.

Tinaas ko ang kamay ko habang nakangiti at umaastang sasaluhin ang mga petals. Sobrang ganda talaga!!! Paano nangyari ito?

"Nagustuhan mo ba?" nagulat ako nang biglang sumulpot ang hari mula sa likuran ko.

Teka? Di ba nasa harapan ko siya kanina?

Gulat akong nakatingin sa kanya at nagtataka siyang tinitigan.

"Paano ka napunta jan?" takang tanong ko at nagugulat pa rin.

"Isa sa kapangyarihan ko ang mabilis na kumilos, ipinamana iyon sa'kin ng aming namayapang ina." nakangiting sagot niya. Gulat pa rin ako.

Ibig sabihin, may powers siya at isa do'n ang Speed? Wow!!

"Ako rin ang may gawa nito." aniya at tiningnan ang mga nagbagsakang mga petals ng bulaklak.

'Eeehhh?!!'

"Kaya ko ring magpalutang ng iba't ibang bagay. Bagay man yan, bulaklak o tao." nakangiting aniya.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now