CHAPTER 32

47 10 1
                                    


KENJI'S POV

  AFTER HAVING a lunch with Aliho, Zyleigh, Krixi, Reese and my friends. Sabay sabay naman kaming naglalakad ngayon pabalik sa building namin.

"Sa library lang ako." maya maya'y rinig kong ani Aliho.

Huminto kaming lahat sa paglalakad at saka tumingin sa kanya.

"Sama ako." sagot din ni krixi.

Umiling si Aliho at saka tiningnan kami isa-isa.

"Salamat sa pagsama niyo sa'min, mauna na kayong umakyat." aniya.

"Pero 20 minutes nalang mag start na ang klase, ano gagawin mo dun?" tanong naman ni krixi.

"Ano ba ginagawa sa library?" pagsusungit niya sa kaibigan. Natawa naman ako dahil tumahimik na si krixi habang nakanguso.

"Sure ka ayos ka lang mag-isa? Pwede ka namin samahan." tanong ko naman.

Nagpilit siya ng ngiti, hindi man lang umabot sa mata niya yun. "Hmm thank you." sagot niya.

Tumingin pa muna siya kay Zyleigh na nakatingin din sa kanya at saka siya tumalikod at naglakad paalis.

"Mauna na din ako." paalam naman ni krixi.

"Ha why? Same building lang naman tayo. Nasa iisang floor lang din tayo." agad na tanong ni Cypher.

Umismid naman si krixi at di nakalagpas sa paningin ko ang pa-simple niyang pagtingin kala Zyleigh at saka umirap.

"Hindi ko kayang makasabay ng mag-isa ang mga plastik." taas kilay na aniya saka tumalikod.

Hahabulin pa sana siya ni Cypher pero nakita naming naglalakad palapit sa amin si Coach.

"Pwede ko ba kayong makausap guys?" nakangiting tanong ni coach.

"Ahh mauuna na din kami sa inyo. Thank you sa time." paalam naman ni Zyleigh.

"Walang-anuman, sa susunod ulit." si Zionne ang sumagot.

Parang natigilan naman si Zyleigh pero hindi niya na din pinahalata. Nagpaalam na din si Reese at nag thank you gaya ni Zyleigh, binati din muna nila si coach at saka sila umalis.

"Ang gaganda ng mga batang 'yon." napapailing habang nakangiti na komento ni coach.

"Eh tungkol saan ba coach ang pag-uusapan natin?" parang sumama ang mood ni Zionne.

'Is he Jelous?'

Lagi kong napapansin na parang iba ang mga tinginan ni Zionne kay Zyleigh. Hindi ko maintindihan pero parang gustong gusto niya na laging nasa tabi niya si Zyleigh. Well, hindi naman obvious pero kung kilala mo ang isang tao, kahit maliit na bagay mapapansin mo.

"Tungkol sa interhigh." sagot ni coach.

"Bakit coach?" tanong naman ni Rowan.

"Kailangan niyong mag practice pa, lalo ka na Waltons." ani coach.

"Bakit coach? Eh si Xyvyn nga ang pinaka-magaling sa aming lahat." takang tanong din ni Cypher.

Oo nga, si Xyvyn ang pinaka-magaling sa buong team. Tapos kapag tumira pa siya ay walang mintis, mapa 3 points man yan o malapitan. Si Zionne naman ang mahusay pagdating sa pag dunk.

"Kahit kasing galing niya pa si Kobe Bryant kailangan niya paring mag practice, lalo na ngayon na dalawa ang sport na sinalihan niya."

Natigilan kami sa sinabi ni coach at gulat na napatingin kay Xyvyn.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now