CHAPTER 11 -BLACK TIGER

63 17 19
                                    

ELIJAH'S POV


The BLACK TIGER is known as a powerful syndicate group, not only do they compete with different organizations, but they also kill people just to make money. They really don't want anyone competing in their group, so maybe that's why the leader of the black tiger group is so angry with me. Because I can handle all their small groups to earn money too.

Kevin, Gian, Omar, and Ace used to be members of a small group of black tigers. The black tiger has many groups in different place's not only in the Philippines, but also in other countries.

Nag-aaral silang apat at meron daw nag recruit sa kanila na sumali sa grupo. Dahil sa kagustuhan nilang makapagtapos sa pag aaral ay pinili nilang maging gago. Magkaklase silang apat, si Kevin at Gian ay mag pinsan samantalang si Ace at Omar naman ay parehas lumaki sa masbate kung saan din nakatira ang both parents ni Krixi.

Nakilala ko sila nang muntik nila akong dukutan, ang sabi nga nila ay isa sa mga gawain ng grupong sinalihan nila ay ang pandurukot o pagnanakaw. Pinili nilang umalis at sumunod sa'kin. No'ng una ay akala ko ang tinuturing nilang leader ang siyang pinaka leader, pero nagkamali ako. Meron pa silang pinakamataas sa lahat at hindi lang pala basta bastang grupo ng mga nagsiga-sigaan ang sinalihan nila, nalaman ko na malaki at malakas ang sindikatong Black tiger.

Halos araw araw magmula nang bumalik kami dito ni Krixi ay puro pakikipag-away ko sa iba't ibang maliliit na grupo, pero nalaman ko na ang mga grupong yun ay taga sunod lang din ng black tiger.

Nagalit sa'kin ang pinuno ng black tiger kaya kahit anong tago ko sa kanila ay nasusundan din ako.

"Paano yan boss? Pumapasok din kami, tsaka baka mapagalitan kami ng parents namin." ani Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Mag paalam kayo, ang sabihin niyo ay kailangan niyong mag stay dito para mag practice para sa tournament." sagot ko.

Kahit hindi ako sure kung magandang rason yun.

"Sana pumayag, baka mag paalam palang ako. Binato na ako ng kaldero ni lola." biro ni Omar. Lola nalang niya kasi ang nag-aalaga sa kanilang magkakapatid.

"Edi saluhin mo tapos tingnan mo kung may kanin." biro din ni Ace.

Hindi ko alam kung paano ako tumagal sa kakornihan nila.

"Nakakatakot naman, Elijah. Paano kung masundan pa din sila dito?" may halong takot na tanong ni Krixi.

"Kesa naman sa bahay nila sila masundan? Mas delikado, baka madamay pati pamilya nila. Sa ngayon sama sama nating harapin ang iniwan niyong grupo." bumuntong hininga ako saka kunot noong tiningnan sila isa isa.

"Kung ako tatanungin, bakit ko kayo sasagutin?" biro ni Gian. Sabay sabay kaming tumingin sa kanya, sa'kin ang pinakamasama.

Gusto ko siyang banatan dahil sa banat niya.

"Magbiro ka na wala pa sa hulog, ang korni mo." saway ni Kevin sa kanya. Saka sila sabay na nagtawanan.

Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa may pader na pinagitnaan ng kwarto namin ni Krixi.

'8:30 na agad, ambilis.'

Tumayo ako saka nagsalita. "Sige na gabi na, sa kwarto muna kayo ni Krixi matulog." sabi ko.

Nagtataka naman ako dahil sa gulat nila.

"Loka, saan mo'ko patutulugin? Dito sa sala?" agad na react ni krixi, nanlalaki pa ang mata.

"Tss, tumabi ka sa'kin."

"Hehe okay." aniya saka tumayo. "Wag kayong magkalat sa kwarto ko ah." sabi niya saka pumasok ng kwarto niya.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now