CHAPTER 27

55 11 0
                                    

ELIJAH'S POV

          "Pahinaan mo nga 'yang volume mo!" mahinang sigaw ni krixi kay Omar.

Naglalaro sila ng Mobile Legends.

"Hindi ko marinig ang boses ni Miya."

"Edi sana nag earphone ka! Nilamon na ba ng nangyari sa eskinita 'yang ka-piranggot mong utak ha?" sigaw uli ni Krixi.

Napapailing nalang ako sa kanila.

Dito kami ngayon sa sala, hindi kami makatulog sa pagbabantay kay Ace. Baka bigla palang hindi makahinga habang tulog kaming lahat.

"Boss! Boss! Si ace gumalaw!" biglang sigaw ni Gian mula sa loob ng kwarto.

Agad kaming tumakbo papasok ng kwarto at nakitang gising na si Ace.

"Huhu Aceee? Mygod gising ka na nga! Natutuwa ako. Teka! Ako, nakikilala mo ba ako?" OA'ng reaction ni krixi.

Ngumiti lang si Ace sa kanya.

"B-Boss." nakangiting aniya habang nakatingin sa'kin.

Dahan dahan siyang bumangon, agad naman siyang tinulungan ni Gian.

"Mabuti at nagising ka na." nakangiting sabi ko.

"Syempre boss, malakas yata ako." biro niya.

"Kumusta pakiramdam mo?"

"Medyo masakit po itong braso ko at medyo nahihilo pa ako."

"Pahinga ka lang."

"Opo, salamat boss."

Sabay kaming napalingon kay krixi nang marinig namin ang pag singhot niya.

"Oh? Krix bakit umiiyak ka?" natatawang tanong ni Omar.

Umiling lang si Krixi at saka pinunasan ang mga luha niya. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya.

"Hahaha gising na si Ace pero umiiyak ka parin?" biro pa ni Omar.

Inambaan lang siya ng sapak ng kaibigan ko.

"Kevin kumuha ka ng pagkain para kay Ace." utos ko kay Kevin.

"Sige boss."

"Yung lugaw ang ipakain mo sa kanya kev. Nagluto ako kanina, lagyan mo unting asin ah." ani Krixi.

Sabay naman kaming napatingin sa kanya.

"Kelan ka nagluto?" tanong ko.

"Kanina. Habang kumakain tayo, nakasalang na yun."

Tumango nalang ako.

Lumabas si kevin at nang bumalik siya ay may dala dala na siyang lugaw na nasa mangkok at isang basong tubig.

"Ito na lugaw, kain ka muna pre." aniya at saka nilapag ang lugaw sa may bedside table ni krixi.

"Salamat pre, labyu!" matigas na ani Ace.

Nagtawanan naman kami dahil sa itsura ni Kevin na parang nandidiri.

"Mukhang hindi pa natatanggal ang lason sayo pre." biro ni Kevin sa kanya. Nagtawanan uli kami.

Hinalo-halo na muna ni Ace ang lugaw at saka ito hinipan bago isubo.

Pero agad din siyang naubo at parang nalason ng tuluyan.

"Oh bakit? Hindi ba masarap?" sigaw ni Krixi sa kanya.

Agad na dinampot ni Ace ang baso ng tubig at saka uminom.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now