CHAPTER 48

39 9 1
                                    


KRIXI'S POV

NAKAKATAKOT!!!

'Huhuness!!'

"Handa na ba kayo?" seryosong tanong ni Xyvyn. At tiningnan kami isa isa.

Walang sumagot dahil tulad ko ay malamang kinakabahan din sila.

"Sa paglalakad ay mauuna sina Zionne at Zyleigh. Sunod naman kayo Cypher at Reese. Sunod Kenji at Krixi. Kami namang tatlo nina pres Ica at Aliho ang maging look out nating lahat sa likod." ani Xyvyn.

Lagi talaga siyang seryoso magsalita, parang bihira lang siya ngingiti o kahit ang tumawa. Baka magpamisa ako kapag nakita ko siyang tumawa.

Tumango kaming lahat at saka nag ready na. Pinag cross na naman ni Zionne ang daliri niya at saka hinarap sa may bubong na parang may hinagis. Napansin ko na naman ang parang ilaw na pumasok sa daliri niya.

"Para san 'yon?" diko na napigilan ang magtanong.

'Curious ako eh bakit ba?'

"Isang mahika. Pananggalang o protection natin sa loob ng kubo upang hindi tayo marinig o makita sinumang nilalang sa labas." sagot niya.

Napanganga ako sa pagkamangha.

'Astig talaga!!'

"Tayo na." ani Xyvyn at saka naunang maglakad palabas.

Huminga ako ng malalim at saka sumunod kay Cypher at Reese. Nasa may tabi ko naman si Kenji na tahimik lang.

Nang makalabas kami ng bahay na kubo lang daw dito. Ay napanganga ako dahil sa ganda ng langit. Kahit ang mga kaibigan ko ay napanganga din at gandang ganda din gaya ko. Ang liwanag ng kulay purple na langit at parang ang lapit ng mga bituin. May dalawang buwan, isang bilog at isang maliit lang.

'Lord!! Panaginip lang ba 'to?'

Tinaas ko ang kamay ko na akala mo maaabot ko ang stars. Literal na susungkitin ko ang bituin para sa'yo hahahaha.

"Tara na." si Zionne ang naglakad paalis, same sa dinaanan namin kanina.

Kasabay niya si Zy at kasunod naman nila si Cypher at Reese. Nangunguna naman ako kay Kenji dahil ayuko siyang kasabay, bahala na si batman. Kung may aatake man sa'kin ay goodbye engkanto's nalang. Naramdaman kong tumabi siya sa'kin, inangat ko ang tingin ko sa kanya pero tutok lang siya sa dinadaanan namin.

Lumingon ako sa likuran namin at napangiti nang makitang magkatabi si Elijah at Xyvyn. Bagay sila hehehe. Gandang ganda parin ako sa outfit at new look ni Elijah, kahit pa naging maikli ang buhok ko ay keribels lang. Basta si Elijah ay sobrang ganda, feeling ko nga inlove na ako sa kanya kakatingin sa kanya kanina eh HAHAHAHAHA.

"Why are you smiling?" nakangiting tanong ng katabi ko.

Gulat akong napalingon sa kanya. Ngumiti ba ako?

"Bawal ba ngumiti?" inirapan ko siya.

"Hindi naman. Pero kung nakangiti ka habang naglalakad, you look like crazy." pang-iinsulto niya sa'kin.

Inambaan ko siya ng hagis ng shuriken ko!! Mabuti at napagtanto kong hindi nga pala siya engkanto, Mukha lang.

Nilibot ko nalang uli ang paningin ko sa dinadaanan namin at nakangiti na naman dahil sa ganda ng view. Gabing gabi na pero sobrang liwanag parin ng paligid dahil sa ganda ng langit at ang daming bituin. Ang sarap sigurong mag picture dito, para akong nasa fairy tale sa ganda ng lugar.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang biglang huminto ang mga nasa unahan namin. Agad na nagtago si Zionne at Zyleigh sa may puno ng kahoy at sumenyas na huwag kaming maingay. Sumenyas din si Zionne na magtago din kami na agad din naman naming sinunod. 

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now