CHAPTER 73

25 11 3
                                    


ELIJAH'S POV

Naglalakad ako para hanapin ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila makita. Sa daming mga romani na nakikisaya, malabong makikita ko sila kaagad.

Bweset! Bakit kasi walang selpon dito hahaha.

Habang palingon lingon ako sa mga nakikisaya ay bigla nalang sumakit ang ulo ko. Tapos nagkaroon na namaj ako ng vision, nakakapagtaka, akala ko ay nawala na sa'kin 'to. Halos isang buwan din akong hindi nagkaroon ng vision.

May sinaksak na naman akong kakilala ko, at ang nakakapagtaka. Bakit parang umiiyak ako habang sinaksak siya?

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa pinakadulo nitong palasyo. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong nag-uusap sa bandang likod ng karuwahe. Naglakad ako palapit para makita kung sino ang nag-uusap, kahit kabastusan ang gagawin kong 'to.

"Hindi ko sila kayang patayin! Mga kaibigan ko sila." natigilan ako dahil sa familiar na boses na 'yon.

"Ngunit 'yan ang matagal mo ng misyon, ano't sobrang tagal mong gawin?" anang lalaking kausap niya. Familiar din sa'kin yung boses niya.

"Sapagkat mga kaibigan ko na sila. Hindi ko kayang gawin ang ipinag-uutos ng hari."

"Baka nakakalimutan mo kung bakit ka nila naging kaibigan?"

"Hindi."

"Kung ganon ay gawin mo ng maayos ang ipinag-uutos sa iyo."

"Hindi pa ba sapat na sinabi ko sa inyo lahat lahat?"

"Kulang! Hanggat nakikita namin silang nakatayo ay hindi ka namin tatanggapin sa pamilya namin."

Biglang sumakit ang ulo ko at ang daming pangyayari ang nakita ko sa vision ko.

"Arrrgghh."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw. Biglang huminto ang dalawa sa pag-uusap. Agad kong tinakpan ang bibig ko at nagtago sa kabilang karuwahe.

"Sino ang nariyan?" rinig kong sigaw ng lalaki.

Shittt!! Paano ako tatakas? Nararamdaman kong palapit na siya ng palapit. Pero nagulat ako nang biglang sumulpot si haring flevious at hinila ako. Namalayan ko nalang ang sarili kong nasa ibang lugar na kami.

"Bakit ka nakikinig sa usapan ng iba?" agad na sermon niya sa'kin.

Hindi ako makaimik, sobrang kinabahan talaga ako. Akala ko katapusan ko na kanina.

"Kilala ko ang mga nag-uusap." sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Kilala mo?" tanong niya. Hindi ako nakaimik, ang totoo ay hindi ako sigurado. Familiar lang sa'kin ang boses nilang dalawa pero hindi ako sure kung sino sila.

Umiling ako sa kanya, hinilot niya ang ilong niya at parang pilit pinapakalma ang sarili.

"Paano kung hindi ako dumating? Baka may nangyari ng masama sa'yo." kunot noong aniya. Ngumuso ako dahil sa kaba. Parang ibang tao siya ngayon, hindi siya yung haring flevious na makulit.

"Sorry."

Hindi na siya nagsalita pa. Buti nga at medyo nakakaintindi na siya ng unting english eh. Yung mga madalas na sinasabi naming magkakaibigan ay alam na niya ang ibig sabihin. Ganun siya ka effort, nagpaturo siya sa mga kaibigan ko ng iba't ibang english dahil madalas ko siyang sinusungitan gamit ang english hahaha.

"Bumalik na tayo sa mga kasamahan natin." aniya. Tumango nalang ako.

"Nasaan nga pala tayo?" takang tanong ko habang nililibot ang paningin.

THE WORLD OF MOONLITDove le storie prendono vita. Scoprilo ora