72

17 0 0
                                    

Maingat kong inilapag ang mga instrument sa mesa. Ang tagal-tagal na nasa akin ang mga ito- nakaligtas pa nga sa pagputok ng bulkan, pero ito ang unang beses na ilalapat ko ang mga kamay sa keys ng piano. Kakaibang gaan ng pakiramdam ang nadama ko, ngayong nasa harap ko na mismo ang mga ito.

TIla nabuhay muli ang mga pangarap na hindi ko namalayang mayroon pala ako.

"Hindi ba't gusto mong matuto nito?" nagbalik sa isip ang tanong ni nanay, na naging dahilan para buksan ko ulit ang puso ko para sa musika.

Isa lang itong ordinaryong balikbayan box noon galing sa Singapore. Ni hindi ko inisip na silipin man lang kung anong laman nito o magpasalamat dahil nagpadala siya ng palatandaan na may pakialam pa pala siya sa amin.

"Ayoko," sagot ko at pinutol ang linya. Pero hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko sinasagot ang mga tawag!

"Bakit hindi? Hindi mo ba naaalala noong maliit ka pa lang? Gustong-gusto mong matuto ng piano! Bakit hindi mo subukan ulit-"

"Sinabi nang ayoko! Ba't ba ang kulit mo? Lahat naman ng binibigay mo, parang ikaw. Walang kwenta!" ito ang sigaw na hindi ko naisip... pagsisisihan ko pala sa huli.

Alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling lang ako. Na ang totoo, iyon lang ang bagay na pwede kong ipagmalaki. Na iyon ang patunay na may maibubuga rin ako kahit papaano. Pero... ayoko.

Kung susundin ko ang gusto niya, parang ayos lang din sa akin na iiwan-iwanan na lang niyang parang tuta. Bibigyan lang ng dog food, pupwede na niyang takas an at hindi balikan nang ilang taon.

Sa kabila ng lahat, isang bagay lang ang hindi ko naisip. Huli na nang malaman ko mula sa kapitbahay naming noon, na umutang pala siya ng malaking halaga sa amo niya, mabilhan lang niya ako ng mga musical instruments. Sa sobrang mahal, hindi niya mabayaran kaya hindi siya pinauwi at sinwelduhan ng tatlong buwan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pa niyang isakripisyo ang sarili mabigyan lang ako ng mga bagay na ito!

Dahil ba para makonsensya ako at ayusin ang buhay ko? Kung sakali mang ito ang dahilan niya, e 'di mission accomplished. Kasi ngayon, itong mga instrumentong nasa harap ko ang nagbalik ng mga pangarap ko para sarili ko noon.

Itinapat ko ang hintuturo sa ibabaw ng isang key, ngunit isa na naming lintik na alaala ang sumagi sa isip ko.

"Ano 'yan?" Abot-impyerno ang pagpipigil ni Sorcha na tumawa noong sinilip niya ang cellphone ko. Nasa harap naman namin si Lenny at ang bading na instructor, na nagtuturo sa kanyang tumugtog ng piano.

"Piano Tiles?!" ulit niya at pinagtawanan lalo ako. "Ang taas naman ng pangarap mo! Huwag mong sabihing, gusto mo ring higitan si Lenny?!"

"No girl, papalitan daw niya si Sir. Siya raw magtuturo kay Lenny!"

"Hayp na 'yan. Kala mo naman, may mararating sa buhay! Wala nan gang maisagot sa exams, nangangarap pang maging pianista!"

Bumunghalit ng tawa ang buong row na nakarinig. Nang mapansin ni sir ang mahinang boses ng mga ito, umalingawngaw na lang bigla ang sigaw niya na agad nagpatahimik sa buong klase.

"Kayong mga walanghiya! Ano'ng tinatawa-tawa niyo riyan?!"

"Sir-"

"Si Ali po kasi, e! Kinukulit niya po kami! Gusto din daw po niyang tumugtog sa harap ng klase!"

Nanuot ang takot at galit sa isip ko sa ginawa ni Sorcha. Mabilis akong sinugod ng instructor, ngunit inunahan ko na siya at agad na lumapit sa organ.

Ipinikit ko ang mga mata at pilit na nilunok ang takot. Huminga ako nang malalim, at unti-unting inilapat ang mga daliri sa keys. Hindi na ulit ako magpapalunod sa ibang boses... ngayong nahanap ko na ang sa akin.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 23, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Heartbeat of the SunriseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang