53

7 0 0
                                    

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Natatawang tanong ko nang makarating kami sa rooftop.

Biglang bumukas ang maraming ilaw at daan-daang fairy lights sa sahig! A table for two emerged from my sight. On top of it was a fancy plate, a midnight candle and a flower in a vase in the middle.

He chuckled and picked my hand.

"Gulat ka, 'no?" Lalo siyang natawa. "Idea 'to ni Chef! Nahihiya na nga ako sa kanya..."

"Ano'ng ginawa mo kay Mang Antonio? Bakit siya pumayag?"

"Tumakas lang ako–"

"What?!" Nabitawan ko ang kamay niya sa gulat!

Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to!

"Ang akala niya kasi, sa Bicol University na ako pumapasok ngayon. Ang hindi niya alam..." He burst into laughter. "Nandito na ako sa Maynila!"

"Tarantado ka talaga!"

Hinampas ko ang balikat niya ngunit nahuli niyang muli ang kamay ko. He was laughing uncontrollably while looking at me. 

"Siyempre, hindi ko naman kayang malayo sa'yo..." 

He slowly lifted his palm and ran his fingers through the few strands of my hair. Nagsitindigan ang balahibo ko nang tuluyan nang mag-isa ang mga mata namin. 

Bakit ganito ang buhay? Kung kailan naman gusto ko nang sumuko at huwag nang umasa pa na may magmamahal ulit sa'kin, saka naman siya dumating. 

Why did he come to my world in my lowest? Why would God lend him to me in the most unexpected time of my life?

If I were to say yes to love again, will it be worth it this time?

"May problema ba?" tanong niya sa pinakamalumanay na tinig na narinig ko mula sa kanya.

"Galing mo sa debate kanina..." sabi ko.

"I'm sorry kung kinailangan kitang kalabanin–"

"Shhh." I pressed my index finger on his lips. "You did great! And you will always be doing great."

"Wow." He laughed. "Parang kailan lang... galit na galit ka na kahit pangalan ko lang ang  tinatanong ni Prof. Anyare? hmm?"

"Ano ka ba? I'm just immature, you know! I am doing my best to improve myself! At tsaka iba na ako noon! Kung dati, naiirita ako sa presence mo, ngayon..."

"Kinikilig na?"

My eyes widened in shock! My lips formed a smile involuntarily! Hinampas ko ang dibdib niya upang hindi niya mahalata!

"Just, shut up, Ali!" I rolled my eyes.

"Eto na nga... seryosong usapan na. I'm sorry talaga kung wala pa akong maibigay na regalo... nagamit kasi ang ipon ko para sa noche buena–"

"Hindi mo na kailangang mag-explain tungkol diyan. I am and I will understand, always. Okay?"

"Sana..." Ngumiti siya at pinisil ang aking kamay. "Sapat na ang presensya ko."

"Ikaw mismo, Ali." I nodded. "Sapat ka na."

Ginulo ko ang buhok ni Ali, habang matamis ang ngiti at nakatingin nang malalim sa kanyang mga mata. Once again, I felt something odd when his eyes creased as his lips carved a tight-lipped smile.

It's... kinda... familiar. Pakiramdam ko ay mahuhulog na ang puso ko. I am looking at a pair of amber-colored eyes and I don't know why I seem to wander inside it. It was deep... and vast.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now