49 (Part 3)

8 0 0
                                    

Yakap-yakap ko si Ximena at kitang-kita ko ang unti-unting pagkawala ng kanyang malay.

Napuno ng dugo ang nanginginig kong kamay at kasabay nito, ang pagpatak ng mga luha ko.

Ni hindi ko binitiwan ang kamay niya hanggang sa pagdala sa kanya ng ambulansya patungo sa ospital.

Sinabi ko na noon pa, na ayoko nang mawalan ulit. Na hindi ko na hahayaang mawala ang mga taong mahal ko. Ayoko nang may magbuwis ulit ng buhay para sa akin.

Pero ngayon...

Luhaan pa rin, hinalikan ko ang duguan niyang noo bago pa man siya ilipat sa loob ng emergency room.

"Excuse me sir, hanggang dito na lang po kayo..." paliwanag ng nurse.

Nanlalambot na ang mga tuhod ko kaya kusa na lang akong napaupo sa hallway, hindi alam kung ano ang iisipin o gagawin.

Hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga pulis at cameraman. May layo ang distansya ko sa kanila pero dinig kong inaalam nila kung ano at bakit nagawa iyon ni Ximena.

Tulad ko, hinarang din sila ng mga nurse kaya wala silang nagawa. Nagtago na lang ako sa sulok upang hindi makilala ng mga ito.

"Kakilala niyo po ba si Ximena Gomez?" muling tanong ng staff ng ospital.

Pinunasan ko ang mga luha at tumango.

"Mga gamit niya po ito." sabay bigay sa akin ng cellphone at bag ni Ximena. "Naku, napuruhan yata siya at kinakalangan operahan-"

"Ano'ng sinabi mo?" Mariin kong hinawakan ang magkabilang balikat niya.

Nagulantang na lang kami nang magsigawan ang mga nurse na nasa emergency room!

"Code blue!" sigaw ng staff at tumakbo papasok! Susunod na sana ako pero pinigilan na naman ako ng iba pang nurse na makatakbo!


"Sir! Hindi po kayo pwede sa loob!"

"Ximena!" napaiyak na ako kasisigaw pero hindi nila ako pinakinggan. "Gusto ko siyang makita! Ximena!"

Halos lahat ng staff ng ospital ay napapunta sa emergency room dahil kay Ximena.

Sa huli, ako lang din ang sumuko. Wala akong nagawa kundi magpunas ng luha habang pinanonood ang mga nagkakagulong doktor at mga nurse.

Lahat ng sakit na naramdaman ko noong nawala si nanay, dahan-dahang bumalik sa alaala ko! Kung bakit hindi ko agad namalayan ang pagtutok ng baril ng tauhan ni Amelia! Kung hindi lang ako tanga... hindi siya mapapahamak nanh ganito!

Kasi tang ina... kapag nawala pa ang taong binigyan ako ng dahilan para gustuhing magmahal ulit, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kahit kailan!

Nang walang nakapansin, pasimple akong sumilip sa salaming bintana ng emergency room.

Nang idinikit ng doktor ang defibrillator sa dibdib niya, tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.

"Buhayin niyo siya, parang awa niyo na..." bulong ko sa gitna ng paghikbi.

Makaraan ang ilang segundo, bumalik din ang tibok ng puso niya sa maliit na monitor. Lumabas din ang doktor habang abala ang mga nurse sa loob sa pag-aasikaso kay Ximena.

Sinalubong siya ng mga reporter ngunit sa halip na sumagot sa mga tanong, agad niya akong nilapitan.

Pinagtitinginan pa ako ng lahat pero wala na akong pakialam.

Heartbeat of the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon