42

16 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin.

Ang sigurado ko lang, gusto ko.

Gusto ko ang ginagawa niya.

Paano nagagawa ng isang Ximena Gomez na isandal ang ulo sa balikat ng isang tulad ko? Hindi kaya siya nag-aalangan?

At bakit naman kasi dito pa kami napunta... sa gitna ng laot!

Tumingala ako sa buwan na ngayon ay nasa waning crescent na. Nagsisilbing liwanag ang gaserang napulot ko mula sa mga gamit sa bangka.

Kung sino ka man na may-ari nito, pasensya na at salamat. Kailangan ko munang protektahan ang prinsesa ng panaginip ko.

Akala ko'y hindi magtatagal ang ganitong sitwasyon namin. Pero nagulat na lang ako nang makita siyang tulog at nakanganga pa habang nakasandal sa balikat ko!

Wala sa sarili akong napangiti. Sinampay ko sa balikat niya ang nakitang lambat upang hindi siya lamigin kahit papaano. Napakaganda ng prinsesa ko...

Rain:

Pre chance mo na to!

Umamin ka na hoy

Hawak ang kabadong dibdib, muli ko siyang nilingon.

Ako:

Hindi to ang tamang panahon para sa pag-amin

Rain:

Ano?! E solong-solo mo na nga siya ngayon! Paano naman hindi magiging tama?

Ako:

Rain naman. Ayokong mag take-advantage sa sitwasyon niya. Magulo pa ang lahat at ayokong dumagdag sa iisipin niya

Rain:

Puta ewan ko sayo ali. Hina mo tangina ka

Malungkot akong natawa. Paniguradong nagkakamot na naman iyon ng ulo sa inis.

Eto na nga! Pero masyado akong naduduwag kapag nasa tabi ko na siya! Paano kung magalit siya at lumayo pagkatapos naming bumalik ng Maynila?

Mas makakaya ko pang itago ang lahat kaysa makita siyang umiwas...

Rain:

Pre sinasabi ko sayo, darating din ang araw na hindi mo na matatakasan yang nararamdaman mo

Darating ang araw na wala ka nang magiging choice kundi umamin

Kaya kung ako sayo, sabihin mo na lang

Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa at bumuntong-hininga.

"Gusto kita," sambit ko sa hangin habang nakatingin sa kanya.

Pero bigla siyang gumalaw kaya napaatras ako sa kinauupuan! Napalunok ako sa takot at nanlamig pati ang ilalim ng paa ko!

"Huh..." aniya sa inaantok na boses. Lalong nanginig ang aking tuhod sa paglingon at pagsulyap niya sa akin.

Nakahinga lang ako nang maluwag sa muling pagpikit ng mga mata niya.

Katahimikan at ihip ng hangin ang pumalit sa ilang segundong takot na naramdaman ko.

Gusto kita, Ximena. Gustong-gusto kita. Kung alam mo lang...

Kaso, nahihiya ako dahil hindi ko mapantayan ang buhay na kinagisnan mo.

Kaya... hindi ko man masabi...

Ipaparamdam ko na lang sa'yo.

Wala rin naman akong hinihinging kapalit. Gusto lang naman kitang mahalin... kahit alam kong... napakaimposibleng ganito rin ang nararamdaman mo. Kahit, may Jonathan na nag-eexist sa buhay mo.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now