49 (Part 1)

25 0 0
                                    

I resented men after the series of assassinations that happened to me. My hatred worsened when Jonathan left me when I needed the most. Mula nang iwan niya ako sa gitna ng mga pagtatangka sa buhay ko, I never saw myself falling for anyone else... and poured all my anger to the people who didn't do anything wrong to me.

When he went back in this country, it seems my heart just followed the false promise I cast on myself, like a spell I can't break.

My insecurity, which I attempt to hide under a facade of pride and beauty, isn't even on my list.

Kaya... paanong nakaya ni Ali na intindihin at unawain ang nararamdaman ko?

Stupid man, indeed, How dare you see right through me!

"Tahan na..." sambit ko habang nagmamaneho. Sinulyapan ko siya at nakitang pulang-pula ang mata at ilong niya kaiiyak.

"Wipe your tears!" muling utos ko. Daig pa niya babae, seriously!

Tahimik kaming nakarating sa gate ng apartment niya. I was just holding back my tears all the time. When my vehicle stopped, he remained motionless, like he doesn't want to get out of my car.

"Ayaw mo bang bumaba?" Nagkunwari akong malamig.

"Hindi. Dumiretso tayo sa bahay mo. Ihahatid kita at sasakay ulit ako ng taxi pauwi."

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko kaya napapikit siya sa gulat.

"Hindi kita hahayaang magmaneho nang mag-isa nang ganitong oras. Hindi ako uuwi hangga't hindi ka nakikiyang nakauwi nang ligtas."

My heart leaped in joy but I pretended I didn't have one. Pinaharurot ko ang SUV upang akalain niyang galit na galit ako sa kanya. Sinasadya ko na pero dumating na lang kami ay hindi pa rin siya nagrereklamo!

"Nakauwi na ako sa bahay. Satisfied?" sarkastikong tanong ko.

Tumango siya at pinilit na ngumiti. "Uuwi na rin ako. Pasensya na sa mga nasabi ko kanina."

"Sinasabi mo bang biro lang 'yon?"

"Hindi. Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong gusto kita. Pero nagalit ka kaya ako humihingi ng sorry..." Nagbaba siya ng tingin.

"You don't have to."

"Congrats pala sa inyo ni Jonathan. Finally, matutupad na rin ang pangarap mo na maikasal sa kanya."

That is not my dream, you stupid guy!

"Sinabi mo na uuwi ka na, 'di ba? Then why are you still talking to me?" I asked, still pretending to be merciless.

"O-Oo nga. Uuwi na nga. Eto na nga-"

"Umalis ka na!" bulalas ko. "At huwag mo na akong kausapin kahit kailan!"

I banged the gate close even if he's still talking. Patakbo akong pumasok sa bahay. Napaupo ako sa sahig at doon bumuhos ang mga luhang kanina pa pinipigilan.

Nagpatuloy ang tahimik kong mga hikbi nang bumuhos ang malakas na ulan sa labas! Shit filled me nang maalalang siyang dalang payong!

In the middle of the windy stormy night, I quickly rushed to the gates of the village to see him. Naglaho ang pag-asa ko nang wala nang makitang tao sa kalye. Lalo pang lumakas ang ulan at hangin kaya wala na akong makita sa labas!

Tumataas na rin ang tubig-baha kaya mahihirapan talaga siyang makahanap ng masasakyan! Ang tanga-tanga ko talaga! Tang ina nasaan na siya?!

With tears in my eyes, I drove my car through the flooded road. Pero hindi pa man nakakaliko ay namatay ang makina ng sasakyan! Panay ang sita ng guard kaya napilitan akong bumalik... at lampas-tuhod na ang baha.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now