59

7 1 0
                                    


Sinuklay ko ang mga daliri sa aking buhok. Wala pa nga si Ximena ay nanginginig at pinagpapawisan na ang kamay ko. Sinabi sa akin nina Ailee at Ruby na mahilig siya sa kape, kaya um-order ako ng dalawa sa café na katabi lang ng library.

Sana, dumating siya. Kahit kausapin man lang niya ako saglit, buo na ang araw ko.

Inatasan kaming maghanap ng mga article dito para masagutan namin ang homework ibinilin ni Miss Chua. Mabuti na lang at wala rito ang iba naming kaklase. Nilingon ko ang mga kaibigan na nasa kabilang table at nagtatawanan habang nagbabasa. Nag thumbs-up si Bridget at napangiti tuloy ako habang naghihintay.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na sina Nikka na papasok, at mukhang maghahanap din ng mga libro! Nang makita ako ay agad nila akong nilapitan.

"Bro! Waiting for someone?" Natatawang tanong ni Benedict.

Yari talaga ako neto! Wrong timing naman kasi!

"Uh... ano kasi..." nahilot ko ang sentido sa kaba.

"Uy AJ! Buti nandito ka rin! Marami kaming itatanong sa'yo!" bulalas ni Nikka. "Bakit dalawa ang coffee mo?"

"Coffee lover kasi siya, mamsh!" si Anne.

Isa-isa nang nagsilapit ang iba naming kaklase. Paano na 'to? Nangako pa naman si Ximena na huwag munang ipagkakalat ang tungkol sa amin!

"What are you waiting for? Tara na, Ali-"

"Mga beh!"

Mabuti na lang at sumingit si Ruby sa usapan. Pinaglayo niya ang mga kaklase namin at sinenyasang lumayo sa akin.

"Huwag niyo nang istorbohin yung tao! Gusto niyo, tabi-tabi na lang tayong lahat?"

"Sure! Over here, mas malaki ang space!"

"Ali, ayaw mo bang sumali?" Pahabol na tanong ni Nikka at umiling naman ako. Hinila napalayo at doon lang ako nabunutan ng tinik.

Umupo sila sa malaking sofa, medyo malayo na ang distansya sa pagitan ng table na kinauupuan ko. Pati sina Ailee ay lumipat ng upo at nakisali na rin sa mga kaklase namin.

NIlingon ako ni Ruby at bigla siyang nag thumbs-up at kumindat. Mga loko-loko!

Nang mapunta ang mga mata ko sa pinto, tumambad sa aking paningin si Ximena na naglalakad na papasok. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang magtama ang paningin namin at nginitian niya ako!

Tumayo ako para salubungin siya. Hindi na ako nakagalaw habang pinanonood ang bawat hakbang niya papalapit sa akin. Kasabay ng paghinto niya sa harap ko, ang pagtigil ng lahat ng bagay na gumagalaw sa paningin ko.

"Is this for me?" turo niya sa in-order kong kape na nakalapag sa mesa. Inabot ko sa kanya ang bouquet ng sunflower sa ilalim ng mesa.

"Uh... oo. Oo! P-Para sa'yo 'yan! Eto rin, sana... ma... magustuhan mo..."

"Thank you! Favorite ko 'to!" aniya at inamoy ang bouquet ng sunflower. "Luh, nandito sila, gagi!" gulat niyang sambit nang mapatingin kina Ailee.

"Uh... oo nga. Kung... hindi ka kumportable, pwede naman tayong lumipat ng-"

"No, dito na lang tayo. I am comfortable here."

"S-Sigurado ka?"

"I feel comfortable when I'm with you."

Kinagat ko ang labi ngunit nabigo pa rin akong pigilan ang mga ngiti. "Mabuti naman... kung ganoon..."

"Kaya hindi mo na kailangang matakot sa'kin! Look at you, you're trembling! Is this your first time courting a woman?"

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now