30

35 0 0
                                    

He rubbed his eyes and lifted his gaze at me again. Pinanood ko siyang inumin nang deretsahan ang isang baso ng tubig.

"Thank you," He followed it with a shallow smile.

"Okay ka na ba? If you're not ready to talk... it's fine. But let me listen to you."

"Naaalala mo ba noong dinala mo ako sa ospital dahil sa lagnat?"

Natahimik ako nang ilang saglit. My heart sank when I recalled what happened to him that night!

"Iyon bang nalulunod ka?" gulat na tanong ko.

"Palagi kong napapanaginipan 'yon. Mabuti na lang at hindi na masyado simula nang dumating ako rito. Akala ko nga, okay na ako e."

He laughed with a bitter tune. Kita ko naman na idinadaan niya sa biro kahit halata sa mata niya ang takot at lungkot.

"Nalunod ka na ba talaga noon?"

Tumango siya at yumuko. "Nahulog ako sa dagat."

"But why? Aksidente lang ba, o sinadya mo?"

"Both."

What the fuck? Is he telling me, he tried to end his own life?

Sinubukan kong pagtagpi-tagpiin ang sinabi niya at ang mga salitang narinig ko kaninang umaga. He has some kind of problems with his dad and his siblings... that made him jump and drown himself?

"Nakausap ko sina Ruby noong may party sa resto. Nagpunta raw sila sa inyo at nalaman na sa eruption relocation site kayo nakatira. Totoo ba?"

"Nasabugan kami ng bulkan noong 2018. Iyon ang ikinamatay ni nanay. Galit nga ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para mailigtas siya! Isa rin 'yan sa dahilan kung bakit ayokong nakakakita ng kahit na anong picture at video ng bulking Mayon. Nakakabwisit tingnan sa totoo lang!"

Muli kong itinuon ang mga mata sa kanya. He started to become uneasy again. Nakayuko pa rin siya at sa unti-unti ko nang naramdaman ang talas ng titig niya sa table.

"I'm sorry. I'm just curious..." sinserong sabi ko. "Narinig ko rin kasi ang convo niyo sa phone. I sensed... you have some problems."

Marahan niyang inangat ang tingin sa akin. I thought he would glare at me but he just stared at me calmly.

"Narinig mo?"

"Gusto lang sana kitang kausapin kanina, at naabutan kong may kausap ka sa phone. I hope you won't get mad at me-"

"Iniistalk mo ako no? Nahuli nga kita kanina!"

"Hoy hindi ah! Why would I stalk you?!"

"May stalker na pala ako." tumawa siya. "May gusto ka yata sa'kin e!"

Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso! Hindi ako nakagalaw at kusa na lang uminit ang pisngi at buong katawan ko!

"Kita mo? Namumula ka na nga oh!"

Nagpatuloy siya sa pang-aasar. I tried to act normal but the sound of his laugh knocked me out of my senses!

"Kapal talaga ng mukha mo no? Kilabutan ka naman sana sa mga pinagsasasabi mo!" umirap ako ngunit natawa rin sa huli.

"'Yan." sinilip niya ang mukha ko. "Ngumiti ka palagi, hindi 'yong irap ka nang irap kahit gusto mo namang tumawa."

"Wow! Coming from a man who doesn't know how to smile. Ibenta ko kaya nguso mo sa tiangge? Mapapakinabangan pa-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang ilapit niya bigla ang mukha sa akin! Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko habang nakatutok nang direkta sa mga mata niya.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now