06

28 0 0
                                    

I walked out of the restaurant with flared nostrils and clenched fists. I encountered a lot of men... ang iba pa nga sa kanila ay nasampal at nagisa ko nang walang kahirap-hirap. But that freak, talagang sinusubukan ang tapang ko!

Napuno ng plano ang utak ko kung paano makakaganti sa lintik na 'yon. Hindi ko na tuloy namalayan na nasa rooftop na ako ng hotel dahil sa lalim ng iniisip ko. Like what the heck? Nabubwisit talaga ako kahit sa kaunting galaw lang niya! Mas maayos-ayos pa ata si Kokey kaysa sa kanya!

The fine details of Jonathan suddenly crossed my mind. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit... ang paghihintay ko sa kanya kahit walang kasiguraduhan, o ang katotohanang nawawalan na ako ng pag-asang maaayos pa ang lahat sa amin.

Napangiti ako sa naisip ko. Kayang-kaya kong pumunta ng Spain at makipagbalikan sa kanya. I would even be the one who'll propose to him in front of his family. I would mind crossing the seven oceans for him, but is it still worth the risk?

"Ximena!"

Nabalik lang ako sa huwisyo nang may sumigaw ng pangalan ko. Inis akong lumingon at nasa harap ko na si Weirdo!

Nagsesenti 'tong tao, bigla siyang susulpot!

"Naiwan mo." inabot niya sa akin ang purse na naiwan ko pala sa resto. Saglit akong hindi nakapagsalita bago inagaw ang gamit ko mula sa kamay niya.

"Binawasan mo ba ang laman nito?" akusa ko.

"Ano?" natawa siya. "Bakit ko naman papakialaman ang hindi ko gamit?"

"Oh. Mukha ka kasing mandurukot sa Quiapo kaya I thought-"

"Magpasalamat ka na lang na naibalik 'yan sa'yo. Manahimik ka na sa pamumuna mo sa itsura ko." tinalikuran na niya ako pagkatapos.

He's kinda grumpy. Wala na tuloy naiwang kaaya-aya sa kanya!

Mas lalo ko pang hindi masikmura ang presensya niya sa mga dumaang linggo. Everytime I look at him, para akong nakatingin sa walang kwentang bagay. May paminsan-minsang lumalapit siya at nagtatanong sa akin tungkol sa academics, pero tipid lang ang response ko.

"Akala ko ba matalino ka? Why do you have to ask me about this?" I irritatingly asked him nang minsang nagkasama kami sa isang paired activity.

"Kasi nga, hindi ko alam! Kailangan ko ng opinyon mo rito!" pamimilit niya.

"Hindi mo na kailangang kunin ang opinyon ko! Why don't you answer it yourself? As I have said, I'll be the one to explain this in front of the class!"

"Kaya nga paired activity, 'di ba? Kailangang magtulungan, hindi 'yong namimili ka lang ng mas pabor sa'yo! Ang tanga mo!"

Napanting ang tenga ko sa huling salitang narinig ko sa kanya. Nag-angat ako ng masamang tingin at tinulak-tulak ang balikat niya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo," I muttered. My jaw clenched.

"Matalino ka nga, pero tatanga-tanga ka naman mag-isip."

He was about to turn his back on me but I slapped his cheeks before he did. Nagsitinginan ang lahat sa amin at ang iba ay napahinto sa pagsusulat.

No one dares to call me dumb, not even him! Wala pang nakapagsasabi ng salitang iyon sa'kin kundi siya! Ang kapal ng apog niyang sabihan ako ng kung ano-ano! I won't forgive him!

"Ximena, we are still in the middle of the class. Tama na 'yan," mahinang bulong ni Ruby sa tenga ko.

"Dude, tama na. Babae 'yan, 'wag mo nang patulan." hinila ni Bridget si Weirdo at pinaupo sa upuan niya. Napansin ko ring nanginginig ang kamao niyang nakakuyom.

Heartbeat of the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon