44

16 0 0
                                    

Nagbaba ng bintana si Ximena at bumusina pa. Heto na naman ang liwanag at saya sa tuwing dumarating siya sa pagkakataong hindi ko inaasahan.

Pero napawi kaagad ang pananabik ko nang matanaw kung sino ang kasama niya sa loob ng kotse!

"Let's prepare for the business expo tomorrow," wika ni Ximena at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Saglit na nahagip ng aking paningin si Jonathan na seryosong-seryoso sa pag-oobserba ng kilos ko.

Oo na. Sa'yong sa'yo na si Ximena. Isaksak mo sa baga mo!

Lumipat sa front seat si Ximena habang si Jonathan ang nagmaneho ng SUV. Nakaupo naman ako sa likuran. Nanibago ako sa katahimikan at pagiging awkward naming tatlo.

Kahit hindi ko marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa, halata namang sinasadya ni Jonathan na inggitin ako dahil bigla na lang niyang hinahawi ang buhok ni Ximena at hinahawakan pa sa hita kahit nasa daan ang paningin.

"We're here," sambit ni Ximena. Akala niya yata ay hindi bababa si Jonathan ngunit siya pa ang nagbukas ng pinto.

Bantay-sarado talaga, e. Wala naman akong balak manggulo.

"I'll listen too," seryosong sinabi ni Jonathan. Inakbayan pa niya si Ximena papasok sa room ko.

"Mabuti nang kasama mo ako sa loob," bulong niya ngunit narinig ko pa rin.

Gusto kong sumagot pero ayoko na ng gulo. Kung tutuusin, siya nga ang dapat kong bantayan kay Ximena!

Napakapormal ng pananalita namin sa buong oras ng paggawa ng Powerpoint Presentation. Ni hindi makangiti si Ximena at parang nag-iingat pa sa bawat sasabihin niya. Hindi naman naalis ang tingin ni Jonathan sa aming dalawa, lalo na sa akin.

"So this is for the farmers, right? So we should have to-"

"Farmers." Natawa si Jonathan.

"Yeah, we created a business plan intended for farmers," paglilinaw ni Ximena.

Patuloy ang pagtawa niya na parang katawa-tawa ang salitang 'farmer' para sa kanya.

"Is there something wrong? Do you have ideas to offer?"

"Baby. I know your likes and dislikes. Your whims, dreams, and aspirations. But, why would you even build a business empire for the..."

Lalo siyang nata⁹wa. Napapikit na lang ako sa inis at init ng ulo. Ganyan na ba talaga siya kagago para pagtawanan ang ideya namin?

"Wala namang masama kung iisipin namin ang kapakanan ng mga magsasaka," hindi na ako nakapagpigil. "Hindi naman pwedeng, mataas ka mangarap ngunit mababa ang tingin mo sa ibang taong may pangarap din."

"Ali..." saway ni Ximena.

"I'm sorry if you got offended by my comment. Just think of me as an investor, or a potential client of yours. Pero..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "I understood you want this idea because you're a 'farmer'. But baby, that sounds too cheap," baling niya kay Ximena.

Panginoon, nawa'y bigyan Mo pa po ako ng mahabang pasensya sa gabing ito...

"I've already decided." Binigyan ni Ximena ng nagbabantang tingin si Jonathan. "This is what I want so just let us do what we've planned."

"Fine," tugon ng gago at sinulyapan pa ako nang masama.

Nagpatuloy ang ginagawa namin at hindi na nagsalita pang muli si Jonathan. Gaya ng lastikong malapit nang maputol, pinilit kong pinahaba ang pasensya, alang-alang sa grades at kay Ximena.

Natapos kaming parang magkakilala lang ang turingan. Kahit ano'ng inis ko, kailangan kong tanggapin na ganito ang buhay sa kolehiyo.

Maiinis ka, makakatagpo ng taong makitid ang utak, mababa ang tingin sa iba at plastik, pero kailangan mo pa ring makisama... alang-alang sa maayos na grades at pasadong subject.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now