29

35 1 0
                                    

"I told you I'm not coming. I'm tired and I wanna rest for a while!"

Ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama. The tiring activities and the food on my stomach fueled my drowsiness. Sobrang hectic na nga sa school, ayaw pa akong pagpahingahin ng mga staff ng resto!

"Pasensya na talaga hija. May nangyari kasi rito kaya kailangan ang presensya mo. Pakibilisan lang-"

"What? Ano na namang nangyari? Mali na naman ba ang inventory?"

"Hindi ito tungkol sa hotel, Ximena. Nagkagulo dito kanina. Sumugod si Miss Montecarlos at ang ex mo at pinagtulungan nila si Ali. Narito rin ang mga kaibigan mo."

Napabalikwas ako ng bangon. Why the hell they are targeting my friends this time!

Halos umabot na sa maximum speed limit ang takbo ng sasakyan ko dahil sa pagmamadali. Wag lang silang magkamaling idamay ang mga kaibigan ko! Hurt them and they'll go to hell alive!

I even ran my way towards the restaurant. Nandoon nga sina Bridget, Ailee at Ruby kausap si Chef.

"Guys!" I almost lost my breath as I called them. "Are you alright?"

"Okay lang kami!" nagyakapan kaming apat. "Ngayon pa lang kami dumating. Plano sana naming yayain kayong magfood-trip pero iba ang naabutan namin," sumbong ni Ruby.

"Anong ginawa nila?"

"They were attacking Ali when we came," ani Bridget.

"Umalis na si Ali bago pa namin sila maawat. We didn't hear their conversation properly but... he was furious that he walked away without saying a word," kwento ni Ailee.

"Oops! I forgot to tell you! Kinompronta pa ako ni Miss Kristina kanina sa garage!" sabi ni Ruby. "She warned me not to let you touch Jonathan again." she sighed.

Lalong sumiklab ang galit sa dibdib ko. Even though I'm thankful she didn't do anything to these three, hindi ako nakuntento.

"Hoy! Saan ka pupunta?" pahabol ni Ailee nang sundan ko sina Jonathan.

The raging fire in my soul was out of control I couldn't think properly. Wala akong ibang maisip kundi saktan at paiyakin si Kristina! I want her to regret stepping in my territory!

Hindi ko na namalayan ang pagdating ko sa garage dahil sa matinding galit. Isang SUV ang kaaalis pa lang at isang pamilyar na tindig ang nakita kong nagbubukas ng isa pang sasakyan.

Nang matiyak na si Jonathan 'yon, agad ko siyang sinugod ng sampal.

"What have you done?" halos manginig na ang boses ko sa galit.

Sinuklian lang niya ako ng blangkong tingin kaya lalo kong naramdaman ang pagkayamot.

"I said... what have you done to my friend!" I yelled.

"What... I have done?" natawa siya. "And what is that slap for, huh?"

"Really, Jonathan? Kailangan mo pa talagang sumugod dito at mamahiya ng tauhan ko?"

"Oh, I'm sorry. I didn't know he was that important to you. Siya ang nanguna, Ximena! Nagtawag lang naman ako ng waiter, ta's bigla niya akong nilapitan at ininsulto!"

"I don't need your fake apologies and accusations! Hindi niya magagawa 'yan!"

"Stop defending that trash!"

"Ano'ng sinabi mo sa kanya?"

"I told him to stay away from you because you're mine!"

I heaved a sigh to control myself from doing berserk.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now