63

8 1 0
                                    


The class ended at exactly eleven. I was just planning to leave alone but a voice called me from the distance.

"Hindi ka ba pupunta sa mga groupmates mo?" matamlay na tanong ko kay Ali.

"Pupunta, kaya nga ako nandito para magpaalam sa'yo."

"Kailangan pa ba 'yan?"

He leaned closer to me kaya umatras ako nang kusa!

"Oo, para hindi ka na magselos." He smirked.

"What?!" I laughed. "I'm not jealous! Why would I? Alis na... hinahanap ka na nila-"

"Hintayin mo na lang ako para hindi ka na mag-alalala..."

"Ali, may gagawin pa ako sa resto! I'll wait for you there!"

"Nagseselos nga..." pang-aasar niya.

"Hindi nga ako nagseselos! Bakit ko naman pagseselosan si Nikka?" I rolled my eyes. "Pag-untugin ko pa kayong dalawa, e."

"Kita mo na?" Lalo siyang tumawa.

E ano naman kung nagseselos ako? Alam ko namang hindi magandang pakinggan pero hindi ko mapigilan!

"Hindi pa naman kita boyfriend kaya hindi ako dapat-"

"Pero may pag-asa naman ako, 'di ba? May gusto ka naman sa'kin, kahit kaunti?"

Hindi ako nakasagot!

"Wala kang dapat ipag-alala. Ikaw lang ang gusto ko, Ximena..."

May kung anong gumaan sa pakiramdam ko. Medyo nailang lang ako kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Kita ko ang iba naming kaklase sa hallway na pinagtitinginan na kami!

"O-Oo na! Fine! I'm jealous! Now can you go there na? Pinagtitinginan na nila tayo!"

"Talaga?" Lumigon din siya sa hallway. "Nice. Makikita nila kung gaano kita kagusto-"

"Ali!" natatawang saway ko at tumawa lang ang gago!

"Eto na! Eto na nga!" Sigaw niya sa mga kaklase namin at lumingon pa ulit bago tuluyang umalis.

Honestly, even if I am jealous, I don't have any feelings or plans to snatch someone's hair just because of my emotions. Hindi naman ito ang unang beses na nagkagusto ako, pero ngayon pa lang ako nakaramdam ng kapanatagan.

Pwede pala 'yon, 'no?

Back then, I would aggressively act up when someone call's my ex's name. Remembering those days feels so cringe!

Matapos siyang panooring lumapit sa iba naming mga kaklase, kinuha ko ang phone sa bag at nagtipa ng message.

To Ali:

See you on the resto later. Ingat!

Ngingiti-ngiti akong nagmaneho pauwi ng bahay. Nagpasya muna akong matulog at magpahinga buong hapon. I was in the verge of falling asleep when my phone rang again.

"Rain? Napatawag ka?" takang tanong ko nang sagutin ito.

"Ah, eh, wala naman, hehe. Kumusta si Ali? Inutusan ako ni tatay na kumustahin siya."

"Oh, he's fine-"

"Magkasama ba kayo ngayon?"

"Hindi, e. Busy siya sa groupwork namin, mauuna kasi silang magpre-present bukas."

"Hay, mabuti naman..." I heard him sigh.

"Why? May... problema ba?"

"May sasabihin lang ako sa'yo, Miss Ximena. Huwag mong sabihin kay Ali, ha?"

"Huh? Sure. Ano iyon?"

"Malapit na kasi ang birthday ni Ali, sa susunod na linggo na! Balak kasi namin siyang isorpresa, para naman mapasaya siya. Pwede mo ba kaming tulungan?"

"Oh my goodness. Next week? Bakit hindi nabanggit sa'kin ni Ali?!"

"Ganyan talaga siya! Hindi naman niya itinuturing na importante ang birthday niya, hindi nga siya naghahanda kahit man lang pansit o Bicol Express!"

"G-Ganoon ba..."

Nakaramdam ako ng lungkot sa ikinwento ni Rain. Kahit hindi ko na tanungin, alam ko na ang dahilan.

"Pero matanong ko lang. Nabanggit kasi niya na adopted siya mula noong sanggol pa lang siya. Is it really his birthdate?"

"Sa totoo lang, Miss Ximena..." sagot niyang tila nag-aalangan. "February twenty two siya dinala ni Aling Adriana dito sa bayan namin. Wala rin akong tamang maisasagot dahil siya lang ang nakakaalam ng lahat. E kaso, ayun. Namatay siya nang maaga."

"Hindi na rin ba inalam ni Ali kung nasaan ang totoong parents niya?"

"Magandang tanong 'yan!" gilalas niya. "Simula pa noon, parang wala na siyang planong hanapin pa ang mga 'yon. Kesyo baka raw hindi siya tanggapin. Pero alam mo, noong huling uwi niya rito, nagiging madalas ang tanong at kwento niya tungkol sa posibleng kinaroroonan ng biological parents niya."

"Wow, how interesting." My lips formed a hesitant smile.

"Ewan ko ba diyan sa bespren ko! Andaming pinagbago simula nang mag-aral diyan! Pero masaya naman ako. Kahit papaano, nakikita kong dahan-dahan na siyang naghihilom. Marunong na siyang mag-ayos ng sarili. Balak pa nga niyang bumili ng gamot sa peklat!"

"Yeah, nabanggit nga niya sa'kin na nag-iipon na siya ng pera. Suma-sideline na nga sa isang burger shop dito!" I laughed. "Humahanga ako sa sipag at dedication niya, Rain."

"Palagi rin niyang kine-kwento kung paano ka niya nagustuhan! Sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit parang mas masaya siya ngayon, ikaw lagi ang bukambibig niya!"

"Uh... ganoon ba..." I bit my lip and smiled out of nowhere. "Sinasabi niya ba talaga 'yan?"

"Oo! Nagku-kwento na nga siya sa mga magsasaka! May isang pagkakataon pa nga na may nagtanong tungkol sa'yo. Tinanong niya si Ali kung nakita ka na raw ba niya sa personal. Alam mo kung anong sagot niya?"

"A-Ano?"

"Sabi niya, 'oo, palagi kaming nagkikita. Siya yung pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.'"

I tucked my hair behind my ears. Hindi ko na nagawang itikom ang labing nakangiti. This is me everytime Ali tells me I'm beautiful, that he likes me so much, or whatsoever compliment he has to say. Alam ko namang ang baduy niyang magsalita pero hinahanap-hanap ko pa rin.

"Miss Ximena? Nandyan ka pa ba?"

"Uh... yes, sorry... I don't... know what to say..."

"Siya, kailangan ko nang ibaba, tinatawag na ako ni tatay!"

"Sige. I'll chat you kapag may plano na ako."

I ended the call. Dahil sa mga sinabi ni Rain, hindi natuloy ang plano kong pagtulog. Nagpasya na lang akong mag-ayos ng class schedules at mag-isip ng birthday surprise para kay Ali.

Fifteen... twenty-two... twenty-nine...

Biglang natanggal ang ngiti ko nang mabasa ang petsang isinusumpa ko.

February twenty-four, two thousand. Death Anniversary ni Maria Aurora Montecarlos at ng anak niya.

Knowing this bullshit date isn't my business para pakialaman pa. Pero nilalamon talaga ako ng kuryosidad. Parang may hindi nagtutugma kung ano'ng totoong ikinamatay ng mag-ina. At the back of my mind, I know something is off... but I just can't prove it.

Heartbeat of the SunriseNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ