60

5 0 0
                                    

Noong gabi ring iyon, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nakauwi ako ng tanghali sa bahay, at pati mga kaaptid ko ay gulat na gulat nang makita ako.

"Ba't di ka nagsabi? Hindi tuloy kami nakapaghanda!" gilalas ni Alice at napahinto sa pagpupulot ng mangga sa lupa.

"Si Mang Antonio?" takang tanong ko kay Rain pagdating ko sa bahay niya.

Matagal bago siya nakasagot. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha na sagutin ang tanong ko.

"Umalis na naman..."

"Kailan pa?"

"Kahapon."

"Hindi na naman ba nagpaalam?"

Bumuntong-hininga siya.  "Kailan pa ba siya nagpaalam? Ni hindi ko na nga siya halos makasama nang matagal dito sa bahay! Ano ba kasing uri ng trabaho ang pinapasok niya?!"

"'Yan din ang gusto kong malaman, Rain."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. 

"Kahapon, may natanggap akong kahina-hinalang package na nakapangalan sa kanya. Mga damit ang laman niyon at may nakatagong pera sa tupi ng tela–"

"Ali, gusto ka raw makausap ni Antonio," bumukas ang pinto at humakbang papasok ang aming kapitbahay. "Narito na siya."

Umalis siya kaagad matapos ipaalam sa amin ang balita. Pareho kaming napatayo ni Rain. Ganoon na lang ang pangingilabot ko sa narinig. Ngunit si Rain, hindi ko man lang nakitaan ng pananabik sa pagdating ng tatay niya.

"Kailangan mo siyang makausap," baling ko sa kaibigan.

"Hindi pre, ikaw na lang kumausap sa kanya. Wala akong gana..."

Lumabas siya at naiwan akong nakatulala sa kawalan. Nakarinig muli ako ng mga apak ng tsinelas sa labas, at kasabay nito ay ang malakas na pwersa ng pagbukas ng pinto!

Tumambad sa harap ko si Mang Antonio. Malalalim ang bawat titig niya sa'kin na parang inuutusan niya akong makinig sa bawat sasabihin niya. 

Inilapag niya ang dalang backpack sa mesa at umupo sa harap ko. Pilit kong itinago ang panginginig ng kamay ngunit nabigo ako.

"Kailan ka pa dumating?" aniya sa matigas na boses.

"Kanina lang po..." nakayukong sagot ko.

Ang lahat ng binuo kong tapang para tanungin siya ay nawala na parang bula, ngayong nasa akin nakatitig ang malalalim niyang mata.

Basta't ang alam ko lang, magpapatuloy ako sa pagpasok sa Richmond kahit palayasin man niya ako sa lugar na 'to.

"Mukhang nagtatampo ang anak ko sa akin. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Ikaw ang uunahin ko."

"Mayroon nga po pala akong gustong itanong sa inyo. Bakit niyo ako pinadalhan ng mga damit pambabae? Bakit may maraming pera sa loob ng tupi?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano'ng pinagsasasabi mo? Bakit naman ako magpapadala ng ganyang klaseng damit?"

"Mang Antonio, sa iyo nakapangalan ang kahon."

"Wala akong ipinadala sa'yo! Nagtungo ako sa Lim– sa Camarines Sur noong nakaraang linggo para mag-angkat ng nahuling isda. Wala akong panahon para magpadala ng regalo sa'yo!"

Gago? E kanino 'yon? Ilan ba silang Antonio Garcia sa mundo at bigla na lang magpapadala ng bestida at fifteen thousand pesos sa akin?

"Pero–" Magtatanong pa sana ako tungkol sa package pero inunahan na niya ako.

"Siya nga pala. Bakit parang galit si Rain? Nag-away ba kayo?"

"Nagagalit na po kasi si Rain dahil–"

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now