10

35 0 0
                                    

A huge spark of lightning illuminated the dark sky for a second, followed by a clap of thunder. Nakatanaw lang ako sa bintana at pinanonood ang malalaking patak ng ulan na tumatama sa glass window dala ng malakas na ihip ng hangin.

"Wala pa naman dito sa Maynila, pero mabagyo na ang panahon!" reklamo ni Manang habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

"Will this house be okay? Baka bahain tayo nito. That's gross! I hate being in the mud pa naman after the rain, like what I observe in other places!"

"Ikaw talagang bata ka!" tumawa siya at hinampas ang balikat ko.

I sighed. Dumampi ang kakaibang lamig sa balat ko. I was about to walk upstairs but the radio forecast in the television caught my attention.

"Lalo pang lumakas ang bagyo at Huling namataan ang sentro nito sa layong Silangan ng Virac, Catanduanes. Itinaas na ng PAG-ASA ang signal number two sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, at Eastern Portion ng Camarines Norte."

Now this is bad. The typhoon's already in Albay. Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang manager ng villa. Isang linggo nanaman yata kaming mababawasan ng bisita dahil sa bagyo na 'yon! Not to mention the yachts that could be damaged by the huge waves.

"Ipagdasal na lang natin na walang masyadong dadalhing pinsala ang bagyo." hinaplos ni Manang ang pisngi ko.

"I hope so."

"Lilipas din 'to..." she smiled.

I thought, the winds would eventually calm down but I was wrong. Habang lumalalim ang gabi, lalo lang lumalakas ang hangin at ulan kaya hindi ko rin magawang makatulog.

Nakakahiya namang tumabi sa pagtulog kay Manang. Para akong batang duwag kung ganoon!

Ilang beses pa akong nagpagulong-gulong sa kama at natigil lang nang tumunog bigla ang messenger ko.

Ailee:

Xim! Tapos ka na ba sa assignment? Pakopya naman oh, mag-aaral pa kase ako sa test bukas, e wala akong maisagot!

Ako:

Oh, sure. I'll just send my files to you.

Ailee:

Thank you babe! Ang ganda talaga ng Ximena ko! Good night!

I rolled my eyes. Sa sobrang pagiging bolera niya, pwede ko na siyang ipalit sa machines ng lotto balls.

Bubuksan ko na sana ang files na ise-send ko sa kanya nang biglang nagpop-up ang numero ni Chef. I immediately answered his call and my brows creased.

"What? Ang lakas-lakas ng ulan e! Can't it be done tomorrow?" angal ko nang sabihin niyang kailangan kong magpunta sa resto ngayon dahil sa inventory.

"Ngayon lang naman 'to, hija. Ayos lang naman sana kung ako na lang ang tutulong, kaya lang, may nangyaring hindi inaasahan sa bahay," pakiusap niya.

"O-Okay! Fine! Wait for me there!"

"Ah, hindi na ako makakapaghintay. Nandito naman ang ibang empleyado kaya tumuloy ka na sa kitchen."

"What-" pinutol niya kaagad ang linya. Inis kong inayos ang sarili pagkatapos magpaalam kay Manang. She didn't even allowed me to go but I insisted. Sino ba namang gugustuhing lumabas e ang lakas masyado ng ulan!

Suot ang coat, shirt at pants na binili ko pa sa Korea, sumuong ako at ang kotse ko sa matinding ulan. Mabuti na lang at hindi na masyadong traffic. Paulit-ulit ang paghinga ko ng malalim habang inaantay ang green light. Halos manlabo pa ang tingin ko sa daan kahit pa may wiper ang winshield ng sasakyan ko.

Heartbeat of the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon