18

43 2 0
                                    

"Kumain ka nang marami," puna ko nang mapansing tila nahihiya siyang pumulot ng food.
Isa-isa niyang tiningnan ang Bulgogi, Japchae, Kimchi at Bibimbap na nakalapag sa mesa. He picked a bit of fermented vegetable and tried to use the chopsticks.

"Ximena, m-may kutsara ba sila? Hindi ako marunong nito-"

"Right, the spoon!"

Nagtawag ako ng waiter at nabigyan naman siya. Kukuha na sana ako ng ulam pero naunahan niya ako at nilagyan ng karne ang ibabaw ng kanin sa plate ko.

"Kumain ka nang marami," gaya niya sa sinabi ko kanina.

Awkward silence filled us as we began to eat. Ako naman ang nagyaya sa kanya pero ako itong naiilang! I hope he's comfortable eating with me!

After the short meal, dumaan muna kami sa Watsons. Hindi naman siya nagrereklamo sa pagsunod sa'kin. Ramdam kong nahihiya siya kaya ako na ang nag-initiate ng conversation.
A businesswoman should have a good interpersonal communication between people.

"Look oh, bagay ba sa'kin?" ipinakita ko sa kanya ang hawak na nude lipsticks.

"Masyadong maputla," he replied without showing any emotion in his voice.

Pumulot ulit ako ng cosmetic and this time, it was a coral red matte lipstick. "What about this? Sawa na kasi ako sa mga colors ng lipsticks ko sa bahay."

"Marami ka pa palang ganyan sa inyo, bakit bibili ka na naman?"

Magbabayad na sana ako sa counter pero napahinto ako dahil sa narinig ko mula sa kanya.

"Hindi naman sa nangingialam ako pero ganyan ka ba kung mamili ng gamit? Baka maubos pera mo niyan." sabay turo sa pushcart na pinuno ko ng cosmetics.

I want to laugh at him because he looked so serious at lecturing me!

"Ali, this is what I do when I'm heartbroken. I go shopping!"

"Anak ng..." nanlaki ang mata niya at napa face-palm pa. I just laughed and pushed the cart towards the counter.

Totoo naman eh. When I'm happy, sad or bored, I go shopping. Kapag malungkot ako, cosmetics and skincare products ang binibili ko. Clothes when I'm happy, and designer shoes or bags kapag naiinip sa bahay.
After paying using my black card, I went out carrying five paperbags. Natatawa pa nga ako kay Ali dahil hindi pa rin siya makapaniwala nang bitbitin ko iyon nang sabay-sabay.
"Oh, I forgot. You need to pamper yourself too!" gilalas ko nang may makalimutang bilihin. "Let's go back inside, ibibili na rin kita-"

"Ximena, hindi na kailangan!" pigil niya.

"Ayaw mo ng peace offering?" nagpuppy-eye ako.

"Huwag na. Masyado ka nang magastos! Tsaka kuntento na ako sa itsura ko."

Napawi ang ngiti ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang choosy!

I observed his facial features. Marami siyang pimples at halata ang malaking scar sa mukha niya kahit sa malayo.

"Hmm. Okay naman ang mukha mo, kulang lang talaga ng kaunting style."

His hair is kinda disheveled. He has a lot of pimples too! At malalaki pa! Sayang naman ang maputing complexion niya kung hindi siya palaayos.

Napilit ko naman siyang bumalik. Iyon nga lang, wala man lang akong nakitang excitement sa mukha niya nang bilhan ko siya ng hair wax, concealer, at pimple cream. Kahit pa yata magdala ako ng isandaang comedians sa harap niya, hindi pa rin siya ngingiti.

"Gamitin mo 'yan bukas sa school." ibinigay ko sa kanya ang cosmetics. "Just put this in your hair and style it as you wish. This one can blur your facial scars. You can also choose to hide it with this concealer."

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now