02

67 0 0
                                    

"So his name is Ali, huh?" sabi ko habang sinusundan siya ng tingin. Pinulot niya ang dalang bag saka mag-isang naglakad kasama ng ibang classmates namin.

"Mukha pa lang, parang mananapak na," dagdag ni Ruby.

"Duh? Normal lang sa mga typical na classrooms na magkaroon ng loner na student. Never judge a person immediately..." sermon ni Ailee at tinalikuran na kaming dalawa.

Paano naman kasi, e ang init-init nakasuot siya ng maong na jacket. Even his facial expressions are so bland.

I don't have much to describe about his lame face. It's utterly disgusting. Anyway, there is nothing special in that mediocre creature so I should mind my own business.

Mabuti na lang at may two-hour vacant kami dahil hindi pa raw lahat ng subject namin ay arranged ang schedule. I hate the sight of seeing him!

Dahil nagutom kaming tatlo, dumiretso kami sa café, na nasa loob din mismo ng RIU. It's been a while since I ate truffle pasta so I took advantage of the time.

Lalong nangibabaw ang excitement ko nang makitang paparating na ang waiter dala ang order namin. Umalingasaw ang aroma ng truffle pasta nang ilapag na ito sa mesa.

I was about to put a spoonful in my mouth when my eye caught that weirdo again! Muntik na tuloy akong mabilaukan nang makitang kumakain siya sa kabilang table malapit din sa gawi namin.

I was even more disgusted when I saw how he ate his food. Nagkakamay lang siya at tila nagmamadali sa pagkain. Bumubukol pa talaga ang pisngi dahil sa dami ng sinusubo niya! I mean... wala ba siyang sanitary etiquette?

Parang nabawasan tuloy ang gana ko sa pagkain.

"Xim? Okay ka lang?" biglang tanong ni Ailee at doon lang ako bumalik sa wisyo.

"I thought that's your fave food!" Ruby pouted.

"O-Of course!" I laughed. "Medyo disgusted lang ako."

"Why?" si Ailee.

"Just look at the student at our side."

Sabay silang napalingon sa gawi ni Ali. Pati sila ay natulala nang makita siya.

I sighed. "Hindi ako nainformed na tumatanggap na pala ang Richmond ng mga low class people."

"Ximena, yang bibig mo!" Ailee looked at me sharply.

"Girl!" sabat ni Ruby. "Bakit parang kanina mo pa siya binabantayan? Crush mo siya no? Yieee!"

"What the hell, ew!" I rolled my eyes and stopped sipping my drink. Nawalan na talaga ako ng ganang kumain, ang mahal pa naman ng inorder ko.

Maya-maya pa ay dumating yung kaklase namin na boyish at tinabihan siya sa pagkain. Her name is Bridget if I am not mistaken.

"Ruby, tingnan mo! Si Bridget!"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang paglingon ni Ruby. Parang may napapansin na ako sa kanya kanina pa e.

"Poganda talaga..." natutulalang aniya.

"Poganda?" I asked curiously. "What's poganda?"

"Poganda means pogi na maganda," sagot ni Ailee. "Huy! tunaw ka na dyan ah!" kiniliti niya ang tagiliran ng kaibigan namin pero hindi pa rin natinag.

"She's beautifully handsome," She uttered, nakatulala pa rin at nasa chin ang kaliwang kamay. Matatalo na ng mata niya ang kinang ng Andromeda Galaxy sa mga oras na 'to.

I looked at Bridget again. Tama naman si Ruby, maganda siya lalo na sa pixie cut na hairstyle niya. May lahi yata. But she talks and moves like a man.

Pagkatapos naming kumain, nag mall na muna kami habang hindi pa nagsisimula ang klase. The image of Jonathan with his chiseled jaws and lean body cleaned my mind that got dirty awhile ago.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now