49 (Part 5)

14 0 0
                                    

"Seems like you forgot to invite me to your party," nakangising sinabi ni Ximena.

"Tangek! Buhay nga siya!" sigaw ni Jonathan habang nakaturo sa TV.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Inangat niya ang parte ng pulang gown saka naglakad papapalapit sa mga Montecarlos.

Masyadong nakakagulat at nakakatulala! Nakakilabot siyang panoorin!

"You..." kitang-kita ko ang panginginig ng kamay ni Amelia!

"Alam mo, kahit kailan talaga, tatanga-tanga ka lumaban. Ni umaasa ka na nga sa mga tauhan mo para mapatay ako, pumalpak pa talaga!"

Tumayo na rin si Kristina at hinarangan ang dinadaanan ni Ximena. "Wala kaming alam sa mga sinasabi mo!" 

"Oh really?"

Inabot ng bodyguard na kasamahan niya ang isang remote. Pinindot niya ito kaya napalitan ang palabas na video sa malaking projector!

Bumalaga sa lahat ang video ng barilan kahapon! Kitang-kita si Amelia na tumatakbo kasama si Kristina palabas ng bulwagan ng hotel. Nagkagulo ang mga staff ngunit natigil din nang tutukan sila ng baril ng mga lalaki!

"P-Pre..." Kinalabit ako ni Rain. "S-Siya ba talaga 'yan?"

"Ooh! Tingnan mo nga naman ang babaeng nagkakandarapa sa anak ko. She finally learned how to gatecrash a solemn party she isn't even invited!" panunuya ni Kristina sa kanya. "Pagkatapos mong lumuhod sa harap ko para lang magmakaawang ipakasal si Jonathan sa'yo, ganito lang ang igaganti mo sa amin?"

"S-Sa lahat ng nanonood n-ngayon. Gusto ko lang sabihin na hindi totoo ang n-nakita niyo! We ran away because... she did it first! P-Pinaulanan niya ng bala ang e-engagement party ng apo ko! She was victim blaming–"

"At ako pa talaga ang binabaliktad niyo!" 

Tinapakan ni Ximena ang laylayan ng gown ni Amelia kaya napaluhod siya sa sahig! Nagpaputok siya ng baril at natamaan ang nakasabit na litrato ng matanda sa dingding!

"Shit!" sigaw ni Rain!

"Hindi ba talaga kayo natatablan ng kahihiyan, ha!" 

Muling inangat ni Ximena ang remote control. Nagsigawan sa gulat ang lahat sa paglabas ng video ni Jonathan na may kahalikang babae sa bar!

"Sino sa atin ang walanghiya, Maria Kristina?" Napangisi siya.

Nagsitayuan ang mga bisita para makiusyoso. Ang ibang hagip sa screen ng TV ay abala sa pagkuha ng video at litrato. 

Pati ako ay hindi napigilan ang kaba sa ginagawa niya. Lalo na nang mapansin kong nanginginig na sa galit at kahihiyan si Maria Kristina at ang nanay niyang si Amelia!

"No... no! Turn that off! That's not true! That's–"

"That's the truth, Maria Kristina. Ang anak mo ang walang kahihiyan, hindi ako! Bakit hindi mo na lang din sabihin ang pinaka iniingat-ingatan mong sikreto tungkol sa kanya sa lahat ng nandito?"

Sikreto?

"Wala akong–"

Hinablot ni Ximena ang isang papel at iniharap sa camerang nakatutok!

"This, is the adoption certificate of Jonathan Montecarlos!" Nakangiti at proud niyang ibinandera ang hawak na papel! "And this is the proof that Arcelli Montecarlos isn't Craig's son!"

Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Ibang-ibang Ximena ang pinanonood ko ngayon. Ni hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na maproseso ang isip na buhay siya! Ang Ximenang nakikita ko ngayon ay walang awa at kayang-kayang wasakin ang mga Montecarlos sa isang salita lang!

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now