71 (Part 2)

2 0 0
                                    

"Love, sigurado ka ba na kaya mo na?"

Paulit-ulit ko na siyang tinatanong ngunit tila wala siyang balak na umatras. I did not expect to see confidence and readiness in his eyes as he started cutting through the taped boxes.

I sighed and  picked up his hand. "Baby, please. Don't try to relive everything when you're not ready. Makapaghihintay naman ako kung kailan–"

He ran his fingers through the thin strands of my hair.

"Wala na si nanay para makita ka, pero buhay naman ang mga alaala niya para makilala mo pa ako... sa pamamagitan niya."

He smiled and lifted the four folds of the box. Buong ingat niyang inangat ang laman nito, at laking gulat ko nang lumitaw ang kahon ng... drumpads, foldable piano at ukulele.

This is not what I expected of him!

Bahagya siyang natawa nang mapalingon muli sa akin. I was still unable to move, until I slowly lifted my fingers to touch the instruments one by one.

"Ang..." I gasped in shock. "Ang gaganda nito, ah! How did you..." I squeezed the fluffy sides of the piano. "They're really musical instruments!"

"Ba't parang gulat na gulat ka? Ngayon ka pa lang ba nakakita ng ganito?"

"N-No but... Hindi lang kasi ako makapaniwala na... May, tinatago ka rin palang kakaiba dito sa lungga mo!"

He blasted a short laugh. "Plus points."

"Baka naman nagpapanggap ka lang na mayaman, ah? Like you know, in the korean dramas we watch, nagpapaka-lowkey lang ang guy tas may nakabaon palang ginto sa ilalim ng lupa! Ikaw, ah?"

"Tama ka dyan, mayaman talaga ako."

My forehead creased. "Eh?"

"Mayaman ako kasi mayroon akong ikaw. Ikaw yung nag-iisang kayamanan na iniingat-ingatan ko... para hindi mawala sa akin."

Tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang marinig ko iyon. I tried my best not to curve my lips and instead, rolled my eyes at him.

"Ayan ka na naman sa mga banat mong corny!" Kinagat ko ang labi at napangiti na nang tuluyan! "Anyway, kailan mo ba nabili itong mga... laruan mo? And isn't it so expensive?"

"Hindi ako ang bumili neto, regalo lang sa'kin 'to ni nanay noong nagtatrabaho pa lang siya sa Singapore. Gustong-gusto niya kasing palaguin ko pa ang talento ko sa pagkanta. Pero... Gago ako noon kaya sinayang ko lang ang lahat ng efforts niya."

Guil was slowly crawling in his eyes as it was still fixed at the instruments in front of him.

"Wala kang sinayang. Hindi mo na rin naman mababago ang mga nangyari noon. But at least, tanggap mo na na nagkamali ka at determinado kang magbago."

"Alam ko naman, pero minsan... minumulto pa rin ako ng konsensya ko. Hindi man lang niya nakita ang kagustuhan kong magbago."

"I choose to disagree. I know she is always watching you, and she's so proud of what you have done. Naniniwala akong masaya si Tita Adriana kung nasaan man siya ngayon. And..."

I don't know if he will like it, but I would say it anyway.

"Kung buhay man ang totoo mong magulang, alam kong hinahanap ka at miss na miss ka na nila. If... in case... they're not, well... they are also watching you happily."

"Mahirap maniwala sa mga sinasabi mo, pero sige. Ganyan na lang ang isipin natin. Sana kahit man lang sa litrato, makilala natin sila."

Nakangiti siya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Kaya naman, dahan-dahan kong inilapit ang sarili sa kanya, at dinampian ng marahang halik ang pisngi niya.

"Ali, hindi ko maipapangako na mabubuo ko ang nawawalang bahagi ng pagkatao mo, pero... gagawin ko ang lahat para maiparamdam sa'yo na hindi ka kulang. You're just enough to fit in these missing pieces of my heart. I just hope... I... won't lose you."

"Thank you." His voice started to crack. "Thank you, love. Pangako ko rin, hindi man ako buo, pero ibibigay ko naman ang buong puso ko sa'yo. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Salamat kasi tinanggap mo pa rin kahit marami akong kulang–"

I leaned my head on his shoulder. He began stroking my hair as soon as I closed my eyes.

"Hindi ka nga kulang," giit ko. "You even give me more than enough."

"Deserve mo rin naman kasi 'yon."

"Magpractice ka ulit ng drums."

"Nagpapractice na ako..."

"What?" I lifted my head in shock.

"Nakalimutan mo na ba? Kinuha ako ng school band para maging pianist at lead vocalist. Excited na nga akong tumugtog ulit–!"

"E 'di magsimula ka nang mag ensayo!"

Wala pang isang segundo nang mapabangon kami dahil sa pagdating ni Mang Antonio!

"N-Nandyan po pala kayo..." Hiyang-hiyang sambit ni Ali!

The wild old man then looked at me full of disgust. Akala ko, makakarinig na naman ako ng mga signature words galing sa kanya pero lumambot naman agad ang mukha niya.

"Pasensya na Ali, naistorbo ko ang paglalandian niyong dalawa. Hayaan mo, kapag wala kang napala sa presentasyon niyo bukas, panonoorin pa rin kita at ihahampas ko iyang gitara sa mukha mo pagkatapos."

"Mang Antonio–"

"Ali, calm down!" hinila ko ang braso niya nang subukin niyang sugurin ito. "E-Eto na nga po," baling ko sa Mang Antonio. "Magpapractice na nga po muna kami sa silong. T-Tara na–"

"Hindi ka kasali!" sigaw niya kaya nabitawan ko ang hawak na drumstick!

"P-Po?"

"Pabayaan mo muna siya. Iba ang sasanayin mo. Sumunod ka sa burol at kunin ko na ang mga mga arnis."

Ar... what?!

Kahit litong-lito na ay sinundan ko pa rin siya papunta sa burol. It was not far from Ali's house anyway. Pagdating ko doon ay nakalatag na sa damuhan ang mga armas na iba-iba ang kalibre!

"M-Magpapractice po ba tayo ng martial arts?"

"Para saan ba sa tingin mo ang mga armas na nasa harap mo? Sa paggawa ng kanta?"

Sa tagal na na ganito ang paraan ng pagsagot niya, parang hindi na nakakainis... nakakairita na!

"Mawalang galang na, pero hindi naman po ito ang tamang oras para maging pilosopo. Nakaka-offend na po kasi kayo, e!"

"Wala akong pakialam, hindi rin naman bibig ang gagamitin mo sa pakikipaglaban."

Tumalikod siyang parang walang nangyari, basta na lang pinulot ang arnis na nasa lupa, at iwinasiwas sa ere!

Sa una ay paulit-ulit na lang niya akong napapabagsak. Para lang akong isang kahoy na basta na lang niyang itinutumba, at paulit-ulit ding bumabangon pagkatapos. 

"Tutulong lang ako sa imbestigasyon, kapag marunong ka na sa pakikipaglaban. Ipangako mo sa akin na gagalingan mo, at gagawin mo ang lahat para mabigyan kami ng hustisya!"

Even if he was really unpleasant and rude, I would endure everything. After all, kailangan ko rin naman ang tulong niya.

"Tutulong lang ako sa imbestigasyon, kapag marunong ka na sa pakikipaglaban. Galingan mo, sa iyo nakasalalay ang hustisya nating lahat!"

And so it became the power within me. Slowly, I built myself from brick to brick. Kahit mahirap, kahit masakit.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now