07

28 0 0
                                    

"Ginagawa mo dito?" singhal niya nang makita ako.

"Nothing, gusto ko sanang mag-relax kaso, naunahan mo 'ko. Lipat na lang ako sa stadium-"

"Pwede ka naman dito, dumistansya ka lang nang kaunti. Ayokong makita ang pagmumukha mo."

"Duh! Ako rin naman!" Inirapan ko siya. Kung alam lang niya kung gaano ako mas disgusted sa kanya!

Pumwesto ako sa man-made bridge at saka nag-set up ng vlog.


"Hello to you guys! Actually, I am here in the campus to show you some-" napahinto ako sa pagsasalita nang biglang nagturn-off ang power ng phone ko. Inalog-alog ko pa ito at sinubukang paandarin ulit.


Battery low. Please charge immediately. Sabi ng screen at nag-off ulit!

I screamed in frustration! Bakit ngayon pa?!

Nahagip ng paningin ko ang repleksyon ng tubig. I glanced sideways and he's already staring at me! Tangina... nakakahiya! Bakit kasi hindi ko namalayang paubos na ang battery ng phone ko!

Ayoko na nga sa presence niya, nagloko pa yung distraction ko para hindi ko siya mapansin!

Isang oras kong tiniis ang nakakabagot na buhay sa fishpond. Slowly, I became delighted watching the koi fishes while letting the time pass. Sana lang, hindi ako mahawa ng kaweirdohan ng isa dito. I tried to steal a glance at him and he's already calling someone on his old-fashioned phone.


"Ayos lang, Alice. Naiintindihan ko naman," aniya sa matamlay na boses. "Oo na, magpapadala ako ng pera sa susunod na linggo. Tiis-tiis lang muna, okay? Sige. Ingat kayo diyan. Bye!"


Pa'no kaya kung bawasan ko ang salary niya? I can't imagine the look on his eyes if I'll do that.

Nasa malalim akong pagpaplano nang biglang nagsidatingan sina Ruby, Ailee at Bridget.

"O, tapos na ba?" tanong ko sa kanila.

"Yeah," nakangiting sagot ni Ruby. "Nagpaalam muna ako na magha-hangout kasama niyo kaya nauna na silang umuwi. May business meeting din kasi sila."

"Since nandito na naman tayong lahat, treat ko na ang snacks natin." kumindat si Bridget. Pasimple kong sinulyapan si Ruby and there, nagsimula na ngang mamula ang pisngi niya.

"Talaga?" napatayo sa kinauupuan si Ailee. "Seryoso ka? We can pay for it naman-"

"No, no. It's okay. Besides, I want to know y'all more. Especially you." tinuro niya si Ruby.

Suportado ko naman ang bawat desisyon ng kaibigan ko, at alam kong nasa stage pa siya ng Identity Crisis.

Hindi ko lang alam kung kinikilig ba talaga ako o nako-cornihan sa ikinikilos niya!

"H-Huh? Me too! Hehe. Your face is totally my type." nadulas ang dila ni Ruby.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Lalong namula ang mukha niya at sinubukan pa niyang tumawa.

Kung ako sa kanya, kanina pa ako tumakbo paalis.


"I mean, your face! It's, uh... familiar."

"Why? Did you see it in your dreams?"

Palihim kaming nagsulyapan ni Ailee. Tumikhim siya at saka lang nabalik sa reality si Ruby na kanina pa titig na titig sa mata ni Bridget. Kinagat ni Ruby ang labi at agad na umayos ng upo.

"S-So, let's go?" napapahiyang anyaya ni Bridget. Aalis na sana kami nang mapahinto siya ulit.

"Dude, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong kay Ali na kanina pa pala tahimik na nakikinig sa usapan namin.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now