55

5 0 0
                                    

“Totoo po talaga ang sinasabi ko!” I heard Ali plead in front of my parents.

I was unable to do anything as he continued to talk to them. Hindi ko alam kung anong klaseng katapangan ang nananalaytay sa dugo ng taong ito at confident na confident pang nagpapaliwanag ng kung ano kina Mom at Dad!

“Baka nagpapanggap ka lang na tauhan ng mga Montecarlos para ligawan at saktan ang anak ko!” seryosong ani Dad pero hindi ko nakitaan ng sindak si Ali.

“Honey, let him talk…” si mom.

“May katibayan ka ba na talagang residente ka ng Tabaco?”

“O-Opo!”

Ali scrolled through his phone and showed something to them.

“”Yan po ang bahay ko. Kapatid ko po sila, sina Carrie at Alice. Hindi naman po kami mayaman pero-“

“Sorry he misunderstood you,” mom inserted. “Base kase sa physical features mo, especially your…” she pointed at Ali’s skin. “Parang hindi kapani-paniwalang kaya mong magtanim ng palay sa ilalim ng init ng araw!”

He chuckled. “Iyon nga po ang problema ko, sir. Kakapalan ko na po talaga ang mukha ko… mayroon po ba kayong mairerekomendang sabon na pampaitim?”

Ano raw?

I almost coughed trying not to laugh. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya or what… natawa tuloy si dad!

“Goodness gracious!” nasapo ni mom ang noo. “Hahaba talaga ang buhay ko dahil sa’yo, hijo!”

“Pasensya na po talaga. Eh, hindi ko po talaga totoong kapatid sina Alice kaya medyo iba ang itsura ko sa kanila…”

“Oh! You’re adopted?”

Tumango si Ali.

“Mabait siguro ang mga magulang mo, ano…” dad nodded.

Hindi siya umimik.

Ano ba itong pinapanood ko? Talk show?!

“So, saan mo naman nakuha ang scars sa mukha mo? You remind me of a guy from a Korean drama!”

Naging malikot ang mga mata ni Ali at alam ko kung bakit. Their questions might trigger him. Agad akong humakbang para makisali, ngunit hinila ni Chef ang kamay ko.

“Hayaan na muna natin sila.” He smiled at me. “Tingnan mo kung paano siya makipag-usap kina Leo. Sa lahat-lahat ng nagtangkang manligaw sa’yo, siya lang ang naglakas-loob na gawin ‘yan! Kung ako ang tatanungin mo, maswerte ka kapag naging nobyo mo siya.”

Makahulugan akong tumingin kay Chef. Muli siyang ngumiti at tumango. Bigla akong nakaramdam ng ng guilt sa sarili ko. If I had only allowed myself to know him before I judged his entire being…

“Uh… natapunan po kasi ng mainit na sabaw at-“

“Oh my goodness!”

“Nasunog din po kasi ng…” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Ng plantsa.”

“Ano?” Dad’s brows furrowed. “Paano nangyari? Idinikit mo ba mukha mo ang flatiron at nagkaganyan?”

“Hindi po ako. Si… si-“

“Honey, let’s not talk about this,” baling ni mom kay dad.

“Ay, hindi po, okay lang!” sabat ni Ali. “Yung… tatay ko po kasi ang… gumawa.”

Ramdam ko ang pagkawala ng hirap sa kanyang mukha. Parang pilit niyang nilalabanan ang kahihiyan dahil sa sinabi.

“Oh my God…” Hindi na mapangalanan ang expression ni dad. “Sinasaktan ka ba niya?!”

“Ganoon na nga po, ma’am…”

“I’m sorry… I’m sorry. We should have not talked about this. Pasensya ka na, hindi naman namin alam na-“

“Wala pong problema sa akin. Gusto ko na rin po kasing mag-move-on sa mga nangyari at alam kong hindi po madali ang proseso. Nakakausad naman po ako kahit paunti-unti…”

“What about your foster mom? Sinasaktan ka rin ba niya?”

“Ay hindi po. Mabait po ang nanay ko… namatay po siya sa pagsabog ng bulkan…”

“Damn it…” mom cursed in the wind.

“But you survived it all, Alijah..” Dad tapped Ali’s shoulders. “You inspire me. I’m proud of you, kid…”

“Thank you po sir-“ biglang nalaglag ang luha niya na agad naman niyang pinunasan ng panyo!

“Ali!”

Nagtangka akong tumakbo pero pinigilan na naman ako ni Chef!

“Maganda sa kanya ang pag-iyak. Nailalabas niya iyong sakit ng dibdib niya.”

“But-“

“Sorry po talaga… sorry-“

“No, no, it’s okay! It’s fine. You’re still in the healing process so it’s completely okay to cry it out.”

“Saan na ba kasi napunta ang usapan natin?” Dad insisted. “Mgapapaalam ka na lalo dahil pinaiyak ka namin?”

“Ay, hindi po ako magreresign sir!” He forced a laugh.

“Huh? E, ano’ng pakay mo’t naparito ka? Are you requesting to raise your salary? If yes, then I can-“

“Hindi rin po ‘yan ang pinunta ko rito, ma’am!”

“So what is it?”

“Um…” Ali shook his head. “Magpapaalam po sana ako na liligawan ko po si Ximena.”

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now