49 (Part 4)

13 0 0
                                    

Nagbibilad ng palay sina Alice at Carrie pagdating ko. Gaya ng palagi nilang ginagawa, sinalubong agad ako ng dalawa pagbaba ko pa lang ng tricycle.

Agad silang nagmano kay Mang Antonio. Pare-parehong blangko ang kanilang mukha, at hindi na ako sumubok magtanong ng kahit na ano.

Pakiramdam ko'y alam ko na kung bakit.

Nilakad namin nang walang imikan ang makipot na daan sa gitna ng palayan. Parang napakalaki ng kasalanang nagawa ko na hindi man lang nila ako kinikibo.

"Uuwi ka lang para kunin ang mga gamit mo," utos ni Mang Antonio pagdating sa labas ng bahay ko.

Hindi ako nakaimik agad sa gulat.

"A-Ano'ng ibig niyong sabihin?" 

"Dadalhin kita sa Camarines Sur nang sa gan'on ay tumino ka na."

Lalo akong pinagtinginan ng mga kapitbahay namin. Alam na alam na nga nila talaga ang nangyari. Wala nga yata akong magiging kakampi sa mga ito...

"Tumino?" Natawa tuloy ako. "Wala naman akong ginagawang masama, Mang Antonio! Bakit mo ba ako ginigipit! Hindi ko pwedeng iwan dito ang mga kapatid ko!"

Nilingon ko si Alice at Carrie, pero nanatili silang nakayuko. Tila natatakot magbitiw ng kahit isang salita.

Kilala ko si Mang Antonio. Sa talas ng mata at tapang ng mukha, walang gugustuhing magprotesta at lumabag sa mga salita niya. 

Napaatras ako sa kinatatayuan nang humakbang siya sa akin habang nanlilisik ang mga mata!

"Mamili ka! Sasama ka sa akin, o gigibain ko itong bahay mo at patatalsikin kita sa pinapasukan mong eskwelahan?!"

Sa unang pagkakataon, hindi ako nakaramdam ng sindak habang nakatingin sa kanya. 

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin? Dahil ba nalaman mo na gusto ko si Ximena?"

"Huwag mo akong subukan!"

"Hindi maling magmahal, Mang Antonio!"

"Alam ko! Walang masama kung magdedesisyon kang magmahal ng kung sino! Pero bakit..."

Napahilamos siya ng mukha sa pagkadismaya.

"Bakit sa lahat ng babaeng pwede mong magustuhan, bakit si Ximena Gomez pa? Bakit siya, ha? Ali! Bakit siya pa!"

"Ano bang mayroon kay Ximena at pati ikaw ay galit na galit sa kanya?" 

Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin, ngunit iniwas din ito na parang magugunaw ang mundo niya kung magiging kami ni Ximena.

"Kunin mo na ang mga gamit mo..." pag-iiba niya sa usapan.

"Sagutin mo muna ako Mang Antonio. Ano ba ang mayroon kay Ximena at–"

"Kukunin mo ang mga gamit mo o palalayasin ko ang mga kapatid mo sa lugar na 'to?!"

"Kuya!" sigaw ni Alice. "Makinig ka na lang, please!"

"Eto na po, Mang Antonio!" 

Lumabas si Carrie mula sa loob dala na ang bag, maleta, at ibang gamit ko! 

"Ano'ng ginagawa mo?!" sigaw ko sa kapatid ngunit inagaw na ni Mang Antonio ang mga gamit ko! "Hindi ako sasama sa–"

Naglitawan ang mga kasamahan ni Antonio at pinagtulungan akong kaladkarin papunta sa jeep niya! Lumakas ang bulungan ng mga kapitbahay na nanonood kaya lalo akong nakaramdam ng kahihiyan!

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa loob ng sasakyan. Binuhay niya ang makina na parang walang naririnig!

"Kapag nanatili ka pa rito, mapapahamak silang lahat sa katangahan mo. Ang kapal ng apog mong pumatol at pangarapin si Ximena Gomez, ni hindi mo inisip na may madadamay sa ginawa mo!"

Heartbeat of the SunriseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt