25

20 0 0
                                    

They say, the universe will give us the same situations over and over until we learn from them.

Inihinto ko ang kotse sa tapat ng arrival area ng airport. Hindi na ako bumaba pa, at sa halip, nakuntento na lang sa panonood ng mga taong nag-aabang sa kanya.

Iwinawagayway nila ang dalang banner. Isang pares ng itim na sapatos ang natanaw ko at awtomatikong nahawi ang daan sa paglakad ni Jonathan.

Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman! Will I be happy that he's back... or to get disappointed na bumalik siyang parang walang nangyari?

That night, he called me when I was about to fall asleep.

"Let's talk at the mall tomorrow," sabi niya.

Hindi pa rin nag sink-in sa utak ko na narito na siya sa Pilipinas. I'm used to knowing where he is when we were still a thing. But since I saw him kiss another woman, I don't want to care anymore.

But I still do. Dapat lang.

"How are you?"

He has still that husky voice. Sumimsim siya ng coffee nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siyang walang alam o sadyang naisantabi na ako sa mga priorities niya.

"Alam ba ng lola at mommy mo na nakipagkita ka sa akin?" I bounced the question back to him.

"Don't worry, they didn't suspect me. Although they warned me not to see you."

"You shouldn't have risked yourself."

"Why not?" he crossed his arms. "I would risk myself searching for you-"

I smirked. "Did you also search for my presence when you kissed a random woman?"

"Ximena." may pagbabanta sa boses niya.

"Akala ko, hindi mo rin alam na alam ko."

"Lasing ako no'n, Ximena. The woman tricked me into kissing her when I was out of my control. Akala ko ba, may tiwala ka sa'kin? Why would you question what I feel? It wasn't my fault!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Baka naman mali rin ang mga assumptions ko. Masyado nga lang ba akong paranoid? And why would it still matter? Wala na naman kami.

"Oo nga pala. Walang tayo." mapakla akong ngumiti.

"I just want you to wait a little longer. Babalik din ako sa'yo. The thing you can do now is to stop being paranoid."

Bilisan mo lang, Jonathan. Baka sa oras na handa ka na, hindi mo na ako makita.

Naglibot pa kami sa buong mall matapos ang pag-uusap. I'm too scared to open up about how her family is doing. Wala na rin akong balak sabihin ang nangyaring masama sa akin. He has anger issues and I wouldn't want him to be uncontrollable at this time.

Wala pa rin talagang nagbago sa itsura niya. I know he was busy studying but he must've maintained his built. Well-defined pa rin ang side profile niya. His skin was tanner this time and the toned muscles remained on his arms. Bumagay pa ito lalo sa suot niyang button down.

Pumasok kami pati sa sinehan. I wanted to watch a thriller but he insisted in his favorite action movie. Tuloy ay inantok at nakatulog ako hanggang sa matapos ang palabas.

Hindi naman sa boring siyang kasama pero wala lang yata talaga ako sa mood na mamasyal sa mall. Still, I accompanied him 'cause I know how much he missed the stuffs in this country.

"Hey, can you get me that bear?" turo ko sa claw machine.

It was a plushie of Ice Bear, a character from We Bare Bears. Siya ang paborito ko sa mga ito dahil napaka cute niyang magsalita kahit ang stoic ng dating, at magaling pang magluto! Parang si...

Damn it! Ano'ng oras na? May practice pa pala ako!

"Uh... Jonathan? Matagal pa ba tayo?" tanong ko. He was still calling someone when I got his attention.

"Just a minute. I've missed being with you, Ximena."

"A-Ako rin naman. But I have some important appointments to attend. I might be late-"

"What specific appointments?"

"Uh... well..."

Naging abala ang isip ko sa paghahanap ng alibi. Noon pa man ay tutol siya sa pag-aaral ko ng martial arts dahil masyado raw akong emotional para sa pakikipaglaban.

"Some academic requirements..." I replied.

"Are you sure?"

"Y-Yes! Nakalimutan ko ngayon pala ang deadline ng b-business proposal na pinapagawa ng professor naming ill-tempered! I need to submit it in the school premises right now."

"Right now?" nagsalubong ang kilay niya. "Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang?"

"As I have said, the professor is very strict. She needs it immediately."

"Okay, ihahatid na kita-"

"No need!" I accidentally raised my voice. He flinched.

Idinaan ko na lang sa tawa upang hindi siya makahalata.

"I have my car."

"Okay, then. Umuwi na tayo."

He looked a bit disappointed. I still hope he understands...

"Ximena," tawag niya bago ko pa man buksan ang pinto ng sasakyan.

"Yes, Jonathan?"

"You're not interested in someone else, aren't you?"

Naestatwa ako at hindi alam ang isasagot. I don't have someone on my mind but his question scares the hell out of me.

"O-Of course. You're the only one who catches my interest. All the time."

I smiled to give him assurance. Bakit naman kailangan ko pang makaramdam ng kaba sa simpleng tanong na iyon? Alam ko namang kay Jonathan lang ako babalik at uuwi.

Agad kong pinaandar ang sasakyan at nagdrive pabalik. Alas singko na ng hapon at madilim na ang paligid na sinabayan pa ng makulimlim na panahon. Tuluyan nang bumuhos ang napakalakas na ulan habang dumadaan ako sa skyway.

The rain was too heavy I can't properly see the road and the other cars ahead of me even with the presence of the car wiper. Sinabayan pa ng traffic! Why didn't I even noticed what time it is? Nakakahiya kung paghihintayin ko siya... maulan pa naman!

Kahit paulit-ulit na akong bumusina ay hindi pa rin umusad ang mga sasakyan. Pumikit na lang ako nang mariin at huminga nang malalim upang mabawasan ang init ng ulo. Mag-iisang oras pa ang lumipas bago nakagalaw ang mga ito pati ang kotse ko!

The rain continued to pour as I drove past the wet highway. Huli ko nang namalayan na nag-ooverspeed pala ako... nang pahintuin ako ng isang traffic enforcer at pinagsabihan!

"I'm sorry Manong, I was in a hurry for an appointment. I'll drive carefully naman next time, so just let me pass," paliwanag ko habang nagpipigil ng inis. Mabuti na lang at pinayagan niya ako nang hindi pinagbabayad ng multa.

This day is a total bullshit.

Nang makarating sa main gate ng Richmond, natanaw ko ang isang taong nakatayo sa silong ng guardhouse. Siya na ba 'to?!

Sa pagmamadali ko ay naapakan ko bigla ang preno at muntik pa akong mauntog sa manibela!

Ugh! Crap!

Hindi nga ako nagkamali. He was wearing a brown jacket. Pilit niyang isinisiksik ang sarili sa pader upang hindi mabasa ng ulan. Takang-taka pa niya akong tiningnan habang bumababa ako ng sasakyan.

He waited for me.

He... waited for me?

"H-Hey!" agad kong binuksan ang payong. "I'm sorry I'm late-"

Before I could walk, he ran towards me and grabbed the umbrella I was holding.

It was too late when I noticed a truck passing by. He pulled me to the sidewalk and the water splashed on his jacket instead!

Nasa akin na ang mga mata niya nang mag-angat ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga mata niya at halos ikatunaw ko sa tuwing lalabanan ko ang mga ito!

Ano na naman 'tong nangyayari sa'kin?

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now