41

19 1 0
                                    

He turned the oil lamp on. Hinalungkat niya ito mula sa whereabouts ng hiniram naming bangka.

The boat was still drifting in the middle of the sea. Hindi ko pa rin masukat ang sitwasyong kinahantungan sa mga oras na 'to.

It was a scene from a movie I never thought could come true. Sky Lanterns na lang ang kulang!

"Tingin mo, may dahilan kung bakit nagtatagpo ang mga tao nang hindi nila alam?" He asked out of nowhere. I know he's talking about how we met before.

"Well, naniniwala akong may reasons lahat ng bagay. Hindi ko nga lang alam kung ano ang purpose niyon. What about you? What are your thoughts?"

"Tingin ko, nangyayari ang mga hindi mo inaasahan na mga sitwasyon upang ipaalala kung hanggang saan lang ang kaya mong pangarapin."

A hint of sadness filled his eyes. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang iparating... or am I just avoiding assumptions?


"Sa tingin mo, bakit tayo napadpad dito?" Hindi na ako nakapagpigil. "Sa dinami-dami ng pwede kong pagtaguan, dito pa talaga ako napunta." I smiled. "Sa tabi mo."

"Kasi, pogi ako? Kaya gusto mo akong kasama palagi?"

He smirked and winked at me. Kapal talaga ng mukha!

"It's fate! We met before because of fate! Okay?" I rolled my eyes. "Kapal mo!"

"Oo nga. Tadhana." He nodded. "Pero, iniisip mo bang may kinalaman 'to sa..."

Parang nag-aalangan siyang ituloy ang sinasabi. Tila naiintindihan naming pareho ang salitang hindi niya masabi. I found myself on the edge of the hot seat!

"Hindi," depensa ko. "Hindi dapat, at hindi pwede."

"Tama."

Hindi ko inasahan ang sagot niya. He's right. It should be right, and I shouldn't be sad!

"Hindi naman talaga dapat, kasi mali," he continued in a cold tone. "At hindi tayo talo."

"Yeah. Magkaiba tayo ng buhay at... nakahanda na ang tatahakin kong buhay para kay Jonathan."

Sige lang, Ximena. Magsinungaling ka pa!

"Bagay kayo, sa totoo lang." Ngumisi siya at yumuko.

Yeah. But why do you seem so sad about it, Ali?

"He's kind, smart and caring. Siguro... Lahat ng mga nangyayari sa pagitan namin, mga pagsubok lang upang mas mahalin ko pa siya. Maaaring destiny nga na nagkita pala tayo noon, pero, hindi ibig sabihin niyon, pwede na tayong..."

"Hayaan mo, ibabalik kita ng maayos at ligtas sa kanya. At... tungkol sa... nalaman mong tagong lupain nila, sana... mahanap mo ang sagot, sa pamamagitan ni Jonathan."

"I'll do that for sure."

"Tutuparin niya ang mga pangarap mo. Sana... mas maging matatag kayo pagkatapos nito. Wala naman akong balak guluhin kayo."

"I don't know how... But I'll certainly do my best to fix the holes between us. Plano kong sagutin siya pagbalik ko ng Manila."

Matagal bago siya nakasagot. At first, he didn't show any expression but he smiled eventually.


"Imposible rin namang magkamabutihan tayo lalo na't malapit na akong lumipat ng kurso. Hindi na kita makikita."


Kakaibang kirot ang dinala niyon sa puso ko. I tried my best not to feel anything with our conversation, pero ang hirap...

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now