50

16 0 0
                                    

He, who stood in front of me, felt like a miracle. 

It was a win, but seeing the pain in his eyes stabbed my heart over and over again.

"Napanood ka namin sa TV, Miss Ximena. Ang astig ng entrance mo! Grabe!" gilalas ni Carrie. "Pero nalungkot talaga ako noong inakala naming namatay ka. Durog na durog si kuya nang malaman niya–"

Siniko siya ng kapatid at napatahimik. They were all looking at my eyes. Ngayon ko lang naalalang kagagaling ko lang sa pag-iyak. Damn embarrassing!

But that embarrassment faded when my eyes went to the girl I don't want to see here. Malawak ang ngiti ni Mira habang nakatingin sa akin. 

In a split second, I tried to snatch and pull her hair. Nagsigawan silang lahat sa takot at kasabay nito, isang kamay ang yumakap sa bewang ko! 

"Traydor ka!"

"Wala akong intensyong masama!" giit niya.

Lalo ko siyang pinanggigilan at nang subukan kong sumugod muli, niyakap ako nang mahigpit ni Ali!

He caressed my back to calm me down. My racing heart, along with the falling rain, slowed until it came to a full stop. He was... hugging me in front of everyone... who was silently watching us.

Nananaginip lang ba ako?

"Ximena... kapag umuwi na naman siyang umiiyak nang dahil sa'yo, hinding-hindi ka na makakaapak ulit sa lugar na 'to!" bulyaw ni Rain at tinuro pa ako.

"Chill, uuwi siyang umiiyak rain..." I smirked. "Umiiyak sa tuwa."

Napatutop ng bibig ang dalawa niyang kapatid. I want to see Ali's reaction but I can't even dare to lift my eyes at him. Hiyang-hiya pa rin ako at wala akong mukhang maihaharap sa kanya!

"Kailangan niyo nang mag-usap, ate. Ayoko rin sa ganito pero gusto kong maging masaya ang kuya ko..." si Alice. "Tara na guys!" baling niya sa mga kaibigan ko, kay Rain at kay Mira.

"Beh, kung nagtataka ka..." Ruby glanced at Ailee. "Explain na lang namin sa'yo bukas!"

Takang-taka pa rin ako pero hindi na ito ang mahalaga. What matters is the man standing in front of me.

"Bye guys, it's gonna be a secret double date!" paalam ni Bridget sabay hila kay Ruby.

They all turned their backs on us and walked away. Naiwan kaming dalawa sa gitna ng plaza, nakaharap ngunit hindi makatingin sa isa't isa. He wore his favorite black hoodie and his face was covered in a white face mask. 

Nagpractice na ako ng speech mula pa kahapon, hindi pa man ako nakakarating dito. Halos nakaharap pa nga ako buong magdamag sa salamin... pero bakit ngayon... walang laman ang utak ko?!

Damn, ano'ng uunahin ko? Ipapakita ko ba ang resin sunflower? Ano'ng sasabihin ko? How can I initiate a conversation!

Pinagpawisan na ako nang malamig. My hands were cold and my heart was pounding. I want to say sorry pero umuurong ang dila ko!

I got my phone and typed in my chats.

Ako:

Oy anong sasabihin ko sa kanya? Tutorial naman dyan oh! 

Ailee:
Aba't... akala ko, plakado ka na? Bakit biglang lumutang sa ere ang brain natin?

Go bestie kaya mo yarn, sulitin mo na ang pagkakataon

Nasayo ang susi ng sasakyan, go for a night drive if u want :)

Chat u later, clingy ni Rain eh! Bye!

Heartbeat of the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon