11

22 0 0
                                    

Mag-uumaga na nang makauwi ako sa mansyon. I didn't get to sleep properly so I was planning not to attend classes the whole day.

Masyado akong natakot na magwala siya ulit kaya hindi na ako nakatulog sa pagbabantay sa kanya.

"Maayos na ba siya?" alalang tanong ni Manang pagdating ko sa bahay.

"He's still sleeping when I left his room. Ayokong makita niya ako paggising niya." I hesitantly smiled.

"Nahihiya ka ba sa kaklase mo?"

"No, of course not. Actually..."

Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari?

"I am actually a bit shy. At isa pa, magkaribal kami sa academics. I-It's an awkward and annoying situation for me."

"Wala namang dapat ikahiya sa pagtulong sa kapwa. Kahit na hindi kayo magkasundo, tama lang ang ginawa mo. Malay mo? Dahil sa nangyari, magkaroon kayo ng dahilan para maging magkaibigan!"

"Hell no!" I snapped. "Mas gugustuhin ko pang maging kaibigan si Donya Amelia kaysa sa kanya."

She just sealed it with a laugh. Ilang uli ko na rin namang kinukumbinsi ang sarili ko na timing lang ang lahat. I was standing in front of him last night when he collapsed. He was left alone in the hospital without his sister. The weather's even bad so it's all because of the situation beyond my control.

Nagpasya na lang akong tumawag sa mga kaibigan upang ipaalam na hindi muna ako papasok. Ilang ulit kong kinapa at hinanap ang loob ng bag pero wala akong maramdamang senyales na naroon ang phone ko. Binaliktad ko na ang loob ng bag pero wala pa ring phone na nahulog man lang kasama ng ibang gamit ko!

"May problema ba?" si Manang nang mapansing nagpapanic na ako.

"Ang phone ko, nawawala yata..."

Malamig na pawis ang lumabas sa balat ko. I'm sure nadala ko 'yon pauwi, hindi iyon pwedeng maiwan sa ospital!

"Baka naman nasa loob ng sasakyan naiwan." Pati siya ay napahinto sa pagkain.

Dali-dali kong tinakbo ang labas ng bahay papunta sa sasakyan. I frantically opened it and searched for the phone. Halos magkalat na ang mga gamit ko sa paghahalungkat pero wala na akong pakialam.

Magtatatlumpung minuto na pero wala pa rin akong nahanap ni anino ng phone ko. Nang mapagod, pumikit ako saglit at inalala kung saan ko iyon huling nakita.

I remember it in my bag... but actually, I didn't recall putting it inside, instead...

Aigoo! Andwae! Nasa bedside table iyon at nakalimutan kong iligpit!

Iniiwasan kong mag-iwan ng kahit anong trace ng pagpunta ko roon, and now I left my phone beside him? This is unreasonable! Minamalas nga yata ako!

Wala akong nagawa kundi magdrive nang mabilis pabalik sa ospital. He's probably awake by now! Sana nga lang ay hindi niya mapansin at malamang ako ang kasama niya buong gabi. This is embarrassing!

"Excuse me!" pinahinto ko sa paglalakad ang isang nurse na nakasalubong ko sa loob. "Is the patient inside the room 204 awake?"

"Ah. Kagagaling ko lang po roon. Gising na po siya. Maayos na po ang pakiramdam niya-"

Uminit bigla ang magkabilang pisngi ko. I dashed towards the room and immediately stopped when I saw him eating breakfast inside... with Ailee, Ruby, and Bridget!

At nandito pa talaga sila!

"Paano niyo nalaman na nandito ako?" he asked my friends and munched a spoonful of rice.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now