54

8 0 0
                                    

We headed straight to the car together with our friends. I was still hot-headed with what Jonathan did, but seeing Ali peep out of the car window, I am back to my senses.

"Beh, okay ka lang?" tanong ni Ruby na nasa backseat kasama ni Bridget at Ailee.

"I thought he would learn a lesson sa mga nangyari sa kanya." Ailee clicked her tongue. "Now that you finally have the courage to fight, si Ali naman ang inaatake nila."

"As if naman hahayaan kong mangyari 'yan!" umirap ako at pinaikot ang manibela nang mabilis.

Silence replaced the mood inside the car.

"Ang ganda mo, pero mas maganda kapag nakangiti. Patingin nga ng smile..." nakangiting bulong ni Ali kaya nagsigawan ang tatlong gaga sa backseat!

I bit my lip to hide my smile. "Magtigil ka nga!"

Ngunit sa halip na tumigil, bigla niyang hinawi ang takas na buhok sa aking mukha. Tuluyan na akong natawa!

"Saan tayo guys?" Ang tatawa-tawang si Ailee.

"Karaoke? at the mall?" si Bridget na na kay Ali ang tingin.

In a split second, they were all looking at him.

"Bakit?" takang tanong ni Ali. Nginitian ko siya kaya nag-iwas siya ng tingin.

Pumayag naman siya kaya tahimik kaming nakarating sa mall. The three were asking some questions about his singing capabilities, while I am just listening and observing him from behind. He was still embarrassed about it and that is what I want him to change.

"Naaalala ko kasi si nanay kapag kumakanta ako. Noon pa man, gustong-gusto na niyang sumali ako ng mga singing contest, dahil hindi raw niya naranasan noon sa panahon niya. Medyo masakit pa rin sa'kin ang pagkawala niya kaya ayoko nang banggitin ulit iyong mga bagay na nagpapaalala sa kanya."

A minute of silence fell from them. Pinagsisisihan yata na pinilit nilang papuntahin dito. But for me, I want to hear his voice again. I want him to feel that he has still a reason to do what he love, again.

"Shopping na lang tayo?" anyaya ni Ailee nang mapadaan na kami sa arcades.

The three nodded, but Ali started walking towards the arcades kaya sinundan ko siya agad.

Tumingala siya sa malaking signage at bumuntonghininga.

"Sabihin mo lang kung kailan ka magiging handa, Ali. Handa akong makinig sa'yo hanggang sa matutunan mong maging masaya ulit."

I tapped his shoulders and stepped back, but he caught my hand.

"Handa na ako."

Tumango siya at ngumiti nang matamis. He started walking towards the music room. Ilang segundo akong hindi nakapagsalita hanggang sa magtakbuhan papalapit sa amin ang mga kaibigan.

For a second, I felt a strange satisfaction. A happiness that radiated from me to him. Kung magkakaroon man siya ng pagkakataon na maging masaya ulit, sana, kasama ako sa mga dahilan.

After we bought snacks, we entered the music room. Matagal-tagal din akong hindi nakapasok ulit dito kaya medyo sumakit ang ulo ko sa dilim at maliliit na ilaw na sumasayaw.

"I think we're alone now!" Ailee jumped and sang to the tune of the song. Kaya pati kami, nagsayawan sa tuwa. Ali was just sitting and clapping for us.

"Gaga ka beh! Sinira mo yata ang karaoke!" gilalas ni Ruby habang pinupukpok ang microphone na biglang hindi gumana. Panay ang tawanan at kwentuhan namin habang kumakain ng chicken wings kasabay ng beer na si Ruby lang din yata ang makakaubos.

Heartbeat of the SunriseWhere stories live. Discover now