16

59 0 0
                                    

Bakit nga ba parati na lang akong nahuhulog sa maling sitwasyon?

"Pasensya ka na hijo, may nakapag-reserve na palang tenant sa kabilang apartment. Huli ko nang nalaman dahil naiuwi ng anak ko ang notebook kasama niya! Ayos lang ba sa'yo kung dito ka na lang?" nag-aalalang paliwanag ng landlady habang tinutulungan akong isaayos ang dala kong gamit.

Tumingala ako. Maayos naman ang kisame bagamat walang pintura ang dingding at halatang katatapos lang gawin ng buong silid. Sementado ang sahig at yari sa kahoy ang kama. May maliit ding study table sa tabi nito at cabinet naman sa kabilang sulok.

"Okay na ho ito," sabi ko at tumango.

"Sigurado ka ba? Eh, unfair naman sa'yo dahil may pintura at airconditioned na ang iba naming rooms dito, baka hindi ka kumportable at nahihiya lang!"

"Okay lang ho talaga ako. Salamat sa pagtanggap sa'kin dito."

"'Di bale, ililipat kita sa maayos-ayos na room kapag may bakante na!" tumawa siya at tinapik ang balikat ko.

Ang mahalaga, may maayos akong lilipatan. Medyo naninibago lang ako dahil nasanay ako sa bahay namin na yari sa pawid. Gayunpaman, titiisin ko ang malayo sa comfort zone mabigyan lang ng maayos na buhay ang mga kapatid ko.

Matapos isalansan ang mga gamit, tumawag ako kaagad kina Alice upang ipaalam na nakarating na ako sa Maynila.

"Good luck sa bago mong school kuya," sabi ni Alice sa kabilang linya. "Pupunta rin kami sa bayan mamaya para bumili ng school supplies."

"Mabuti. Kasya na ba ang pera niyo? Hayaan mo't magpapadala ako-"

"Okay lang, binigyan kami ni Mang Antonio ng limadaang piso. Sobrang bait niya talaga!"

"Nahihiya na nga ako sa kanya e! Pagbubutihin ko na lang ang pag-aaral upang may maibayad ako sa mga tulong niya sa atin."

"Kami rin, kuya!" sabat ni Carrie at nahimigan kong nagtawanan silang dalawa.

"Nga pala, umiwas ka sa gulo diyan ah! Magfocus ka! Isusumbong kita kay Mang Antonio kapag nalaman kong hindi ka nag-aaral ng mabuti!" si Alice.

"Takot ka ngang lumapit sa kanya, sumbong pa kaya?" natatawang biro ko.

"Heh! Ewan ko sa'yo!"

"Ibababa ko na. Matutulog muna ako dahil pagod ako sa biyahe."

"Okay, bye! Magtatanim din kami ng bulaklak sa likod ng bahay ! Labyu kuya-"

Matapos patayin ang tawag, nagpahinga muna ako at nag isip-isip. Sa totoo lang talaga, gusto kong lumipat ng kwarto kaso baka kalabisan na iyon sa kabaitan ng landlady. Bukas na ang simula ng pasukan at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay estudyante ko rito.

Ang tanging mayroon ako sa ngayon ay ang pangarap ko para sa mga kapatid ko. Gusto kong bumawi sa mga panahong napabayaan ko sila dahil sa pagiging selfish ko. Hindi ako pwedeng umalis dito na hindi nakakatapos ng kolehiyo.

Maaga akong naghanda kinabukasan. Gusto kong isiping simpleng siyudad at unibersidad lang ang papasukan ko. Pero nagkamali ako nang makita ko kung gaano kalaki at kalawak ang Richmond! Halos malula pa nga ako sa laki ng mga gusaling nadadaanan ko habang nagbibisikleta. Malayong-malayo sa nakasanayan kong mga palayan at puno sa Tabaco.

Akala ko pa nga ay pag-aari lang ng mga propesor ang mga magagarang sasakyang nakaparada sa tabi ng eskwelahan. Pero nagulat na lang ako nang magsibabaan doon ang mga estudyante!

Pakiramdam ko tuloy ay para akong naligaw ng landas dito. Halos lahat ng nakasalubong kong mga estudyante ay may nakasunod na bodyguard at ang iba pa nga ay foreigners. Parang nabawasan ang kumpyansa ko sa sarili dahil sa paninibago ko.

Heartbeat of the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon