56

4 0 0
                                    


Dad laughed at him like he's watching a funny movie. Walang nagawa si Ali kundi yumuko, habang nakangiti naman nang matamis si mommy sa kanya.

"Sorry po-"

"No, no," putol ni dad sa sasabihin niya. "Medyo naninibago lang ako. This is the first time a brave man confessed in front of us. Tanong ko lang, paano at bakit mo naman nagustuhan ang anak ko?"

Ali sighed.

"Inaamin ko po, hindi naging madali ang pag-amin ko ngayon, gaya ng pag-amin ko sa sarili ko na gusto ko si Ximena. Marami na po akong hindi magandang pinagdaanan at wala na po akong balak humanap ng girlfriend o magmahal ng kung sino. Pero..."

Nilingon niya ako, ngumiti, saka ibinalik ang tingin sa mga magulang ko.

"Binago po niya ang prinsipyo ko. Siya po ang patunay na hindi ko malalaman kung ano ang magiging kapalaran ko, gaano ko man po paghandaan ito. Sa paulit-ulit kong pagpoprotekta sa kanya, doon ko po nabuo ang pagkakaibigan namin, na iyon po mismo ay hindi ko in-expect dahil magkaribal kami sa klase. Si Ximena po ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng bagong dahilan para bumangon at magpatuloy sa buhay."

Ali...

Damn it.

I didn't realize I can be someone's reason to live again. I didn't know how can this be possible, that someone would take risks for me even if I knew in myself, I don't deserve it.

Sa dami ba naman ng kasalanan ko sa kanya...

A curtain of silence enveloped the four of us. Mom and dad nodded and looked at me with pride in their eyes. Nasa sahig pa rin ang mga mata ni Ali at parang takot pa siyang gumalaw.

I rubbed my eyes before a tear would come out of it.

"You know what, hijo..." mom said. "I appreciate your effort to talk to us and confess what you really feel for your daughter. Pero, wala sa amin ang desisyon. It's up to her if she's willing to accept it. Rest assured, kahit ano'ng maging pasya niya, kung magiging masaya si Ximena at makakabuti sa kanya, handa kaming suportahan siya. So... ask her instead."

"Tingin ko naman, mabait kang bata." Dad smirked. "Basta't huwag pababayaan ang pag-aaral, ha? At huwag niyo munang gawin ang mga bagay na hindi pa angkop sa edad niyo. You know what I mean, hijo."

"Ay, opo sir. Mataas ang respeto ko kay Ximena at sa inyo."

"Very good!"

"Salamat po, ma'am, sir..." Ali nodded. "Kung sakali man pong tanggapin niya ako, pangako ko po, aalagaan ko po siya kahit ano'ng mangyari. Alam ko po ang pakiramdam na masaktan at maiwan kaya hindi ko po hahayaang maranasan niya iyon-"

"Madam!"

Chef interrupted us as he walked towards them.

"Ano ito?" nakangiting tanong ni dad kay Chef.

"Programme ng RIU! Talino talaga ng batang ito!"

Binatukan ako ni Chef at tatawa-tawang lumabas ng office. Mom thanked him before they read the... is that our school paper?!

"Congratulations anak!" mom stood and hugged me, but dad's eyebrows furrowed as he continued to read the paper.

"Ali? Dean's lister ka rin?!" gulat siyang nag-angat ng tingin kay Ali.

"Uh-"

"Aba't... matalino ka rin naman palang bata ka!"

"Sir-"

"Congratulations, hijo! Galing galing naman!"

"Yeah dad..." I inserted. "Nakikipagcompete siya sa'kin," I joked.

"Halika rito, anak..."

Matamis ang ngiti ko habang humahakbang papalapit sa kanila. Mahigpit kaming nagyakap maliban kay Ali na nakatanaw lang sa amin habang nakangiti. Sinenyasan siya ni dad para sumali, pero umiling siya.

I may not have the best life, but I thank God for giving me the best and supportive parents.

Pangako, mom at dad. Gagawin ko ang lahat para magkakasama tayo ulit, nang walang hadlang at distansya.

We ended the meeting early. Pagod raw sila at nagdesisyong umuwi nang maaga. Mom ordered me to check on all the hotel rooms, including the financial records of the restaurant.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko papunta sa resto, naabutan kong nakikipagdaldalan si Ali sa ibang crew. Natigil lang sila nang matanaw ang pagdating ko. Nakasuot na siya ng puting T-shirt, maong na pantalon, itim na apron, at hair net.

I kept my head held high together with the sound of my stiletto, pero nawala lang ang angas ko sa pagtama ng mata namin ni Ali.

"I-Ikaw talaga!"

Kahit kinikiliti na sa kilig, naggalit-galitan ako at hinampas siya kunwari ng dala kong sling bag sa mukha.

"May nagawa na naman ba akong mali?" gulat niyang tanong habang hinahawi ng bag ko!

"How dare you talk to m-my parents like that?!"

"Huh? Eh..." he scratched his head. "Hindi ko naman sila ininsulto! Gusto ko lang naman magpaalam na liligawan kita-"

Muntik na akong matawa sa huling sinabi niya. "Oo na! Huwag mon ang banggitin!" I tried my best to hide my smile.

"Bakit ka nagagalit? Ayaw mo ba sa ginawa ko? Ayaw mo bang ligawan kita?"

"Gusto ko-" natutop ko ang sariling bibig sa kahihiyan!

Damn it, Ximena!

"I mean, It's kinda embarrassing!"

"Ximena, handa akong ipahiya ang sarili ko sa kanila, makuha lang ang matamis mong oo. At handa akong mapahiya sa maraming tao, malaman mo lang na seryoso ako at gusto kita."

"Tama na nga!"

Agad akong tumalikod upang hindi niya ako mahuling nakangiti!

"Hindi ka naman galit e!"

"Galit ako!" I said and bit my lip.

"Gusto ko rin namang malaman nila na hindi ako manloloko. Alam kong dehado ako sa itsura kaya bumabawi na lang ako sa gawa! At huwag kang mag-alala, hindi mo kailangang sagutin agad iyong huling salitang narinig mo sa akin."

"Alin do'n?!" pagalit kunwaring sagot ko.

"Na gusto kita.

What... the...

"At handa akong maghintay ng sagot mo hanggang sa dumating ang araw na magugustuhan mo na rin ako."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. The sound of his shoes stepping towards me sent shivers to my spine. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa, dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at nag-iinit ang buong mukha ko!

Eventually, I faced him and smiled sweetly.

"Yan, ganyan nga. Mas gumaganda ka kapag nakangiti. Lalo na kapag ako ang dahilan."

Heartbeat of the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon