Her beauty is simply ethereal. I am simply lost for words. Ngayon ko higit na na-appreciate ang natural beauty dahil sa kanya. 

"Sumama ka na. Baka ito na ang chance mo mag-girlfriend," dagdag pa ni Vince na abot-tainga ang ngiti.

Tipid lang akong ngumiti at hindi na nagkomento sa sinabi niyang iyon. Lahat naman sila ay ganoon ang isip—ang paghanga ko kay Aiyu ay higit pa sa pagiging mahusay na singer nito.

"Iwan ko na muna kayo. Ayusin ko na lang muna ang mga gamit ni JK," iwas pa ni Armi sabay tayo.

"Mamaya na 'yon. Kuwentuhan muna tayo rito," pangungulit ni Jimin at hinawakan pa ito sa kamay.

Mabilis akong nakatayo at agad na tinabig ang kamay ni Jimin.

"Marami pang kailangang gawin si Armi. Huwag na ninyong abalahin," seryosong saway ko pa na nagpamaang sa dalawa.

Ako man ay nagulat sa ginawa ko, pero nagkunwari akong walang intesyon na kahit na ano.

Nang makaalis si Armi ay titig na titig pa rin sa akin ang dalawa na akala mo tinubuan ako ng sungay sa ulo.

"W-what?" untag ko.

Lumapad ang ngisi ni Vince. Para bang may nababasang kung ano sa reaksyon ko at hindi ko rin masabi kung ano ba iyon.

"You like Armi, didn't you?"

Lalong tumalim ang titig sa akin ni Jimin. Tila ba nadismaya sa konklusyon na iyon ni Vince.

"I..." Saglit akong nangapa ng sasabihin. "Look, she's a nice girl. Huwag ninyong gawing palipasan ng oras," nanunungit na katwiran ko pa.

"What if I actually like her." Si Vince na sumeryoso ang mukha.

Maging si Jimin ay ganoon din habang titig na titig sa akin. 

"Do you guys like her?" balik-tanong ko pa sa dalawa.

Walang pag-aalangang tumango ang dalawa. Tila ba siguradong-sigurado.

"May problema ka ba roon, JK?" Si Jimin na mataman pa ring nakatitig sa mukha ko.

"You can't drag her into our world. Maawa kayo sa tao."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at nag-iwas ng tingin. Kahit na sinomang babae ang ma-involve sa amin ay talagang kawawa sa mga fans.

"Look, JK. Handa kong protektahan ang babaeng mamahalin ko." Si Vince na tila proud pa. "Kahit pa sa harap ng milyong-milyong Armys, ipaglalaban ko ang babaeng mahal ko."

"Me, too. Ililihim ko man sa publiko ang relasyon ko sa babaeng mamahalin ko, ang importante magiging masaya kami." Si Jimin na naniningkit ang mga mata sa pagtitig sa akin. "Sisiguraduhin kong walang sinoman ang makakasira sa kaligayahan ko."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan na lang ang magkomento. I don't know exactly how to react to that. But knowing their personalities, I knew that they'll do anything for love. 

"But you see, if you tell us that you like her, we'll back out right away," dagdag ni Jimin. "So, just be honest, bunso. Do you like her?"

Sa halip na sumagot ay umiling lang ako at agad na ring umalis.

"JK, where are you going?!" sigaw ni Vince.

Nagtaas lang ako ng kamay at hindi na nag-abalang lumingon. Alam kong hindi nila ako lulubayan hangga't walang nakukuhang sagot mula sa akin.

Gusto ko nga ba si Armi?

I don't know. 

Nang makaakyat ako sa kwarto ay naabutan ko si Armi na abala sa pag-aayos ng suitcase ko.

"Do you want help?" kinakabahang tanong ko pa.

Kami lang ang tao sa kwarto. Hindi ko tuloy malaman kung dapat bang lumabas muna ako o papaano. Ang isip ko kasi ay kasama niya ang P.A. ni Jin. Pero base sa ayos ng mga gamit ay mukhang kanina pa iyon nakaayos.

"Ayos lang ako. Magpahinga ka muna riyan. Alam kong pagod na pagod ka," nakangiti pang aniya habang abala pa rin sa pag-aayos.

Nagkunwari akong hindi apektado at dumiretso pa rin sa bed para mahiga. Nagpipindot ako sa aking cell phone at nagkunwaring abala rin kahit hindi naman.

Pero nang makarinig ako ng tila nabasag sa banyo ay agad akong napatayo.

"Hey, what happened?" nag-aalalang bungad ko pa sa pintuan ng banyo.

Naabutan ko siyang nagpupulot ng bubog nang nabasag na baso.

"I'm sorry, JK. Ibawas mo na lang sa suweldo ko 'tong baso. Hindi ko sinasadyang matabig. Sorry talaga..." takot pang aniya habang abala pa rin sa pagpulot ng bubog.

Umiling ako at agad na tinulungan siyang mamulot ng bubog.

"JK, huwag!"—sabay pigil sa kamay ko—"Ako na ang bahala rito. Baka masugatan ka pa. Kaya ko na 'to."

Sasagot na lang sana ako nang mapansing nagdurugo ang daliri niya.

"You're bleeding, Armi."

Agad nitong sinulyapan ang daliri at ngumiwi. "W-wala 'to."

Mabilis akong tumayo at inalalayan din itong tumayo nang maayos. Tiningnan ko ang daliri niyang nasugatan at agad na itinapat iyon sa faucet. "Mabuti na lang at mababaw lang. May band-aid ako sa suitcase."

"Ako na ang bahala rito, JK. Magpahinga ka na."

Pero sa halip na pansinin ay banayad ko siyang hinila palabas ng banyo at pinaupo muna sa bed.

"JK, okay lang talaga ako. Mababaw lang naman."

Binalewala ko pa rin ang sinabi niya at sa halip ay hinalungkat ang first-aid kit sa bag. Nang makita ang pakay ay agad ko na ring tinanggal ang balot ng band-aid.

"Give me your hand," utos ko pa sabay nguso sa daliri niya.

Kahit pa parang nahihiya ay sumunod na lang siya sa gusto ko.

Pinaikutan ko agad ng band-aid ang daliri niyang nagalusan. "Ako na ang bahala sa bubog sa banyo."

"H-hindi. Ako na ang bahala—"

"I'll be careful if that's what you're worried about, hmm?"

Ngumiwi siya. "Sorry talaga sa nabasag ko."

"It's no big deal. Huwag mo na alalahanin pa 'yon."

Kinagat niya ang kanyang labi at nahihiyang tumitig sa aking mukha. "Ang clumsy ko talaga... Mag-iingat akong mabuti sa susunod."

"It's really okay. Iwasan mo na lang na masaktan sa susunod, okay?"

Nahihiya lang siyang tumango at tipid na ngumiti. "Salamat, JK."

Tipid na ngiti lang ang isinukli ko bago tuluyang tumalikod. Kahit pa nga yata hindi siya magpasalamat ay sapat na ang ngiti niyang iyon.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at umiling-iling sa kawalan.

Yeah... This is bad.

Mukhang tama nga ang hinala nina Jimin at Vince sa akin. 

I like Armi.

This is really bad.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن