Epilogue

57 5 2
                                    

Epilogue



NAKASIMANGOT ako habang dala-dala ang excuse letter ni Madame Zine. Bakit ba kasi na-broken hearted ‘yon! E ‘di sana hindi ako pupunta at nagtatanong-tanong dito, e’.

“Hi-” Nilagpasan lang ako nang akmang tatanungin ko ang isang babae. Wews! Sa pogi kong ‘to? Lalampasan lang ng gano’n? Kapal ng pagmumukha mo, Miss.

Lumingon-lingon ako sa paligid, naghahanap ako ng may katinuang mukha para mapagtanungan. Naaninag ko ang isang babae na nakatayo sa may side walk. May nakasabit na bag sa isang balikat niya at tinatangay ng hangin ang may kahabaan niyang buhok. Tanging tungki ng ilong niya ang naaaninag ko dahil bahagya siyang nakatagilid.

Napangisi kaagad ako ‘tsaka nilapitan siya at kinalabit.

“Uhm… M-Miss?” Napakamot ako ng batok ko.

Napatalon pa siya nang lingunin ako. Nagpilit ako ng ngiti lalo na nang maaninag ko ang maganda niyang mukha. Damn! Ang ganda pala!

“B-Bakit po?” Titig na titig siya sa mga mata ko. Hindi na ako nagulat o nagtaka dahil alam ko namang kakaiba ang kulay ng mga mata ko.

Marahas akong umiling. “Magtatanong lang… Kilala mo ba ‘to?” Nilabas ko ang picture ni Madame Zine ‘tsaka pinakita ‘yon sa babae.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang gulat niyang reaksyon.

“Z-Zine?! Bakit m-mo siya hinahanap?!” Umatras siya.

“Yes! Kilala mo? Hinahanap ko kasi ang class room niya, e’. Maghahatid lang ng letter.” Nakaramdam ako ng ginhawa. Shit, akala ko aabutin ako ng EDSA Revolution dito.

“L-Letter?” usisa niya. Lihim akong napamura. Maganda sana kaso chismosa. Sabihin mo na lang, Miss!

Tumango na lang ako. “Ano’ng section niya?”

EMM. . .” bulong ko sa pangalan niya habang tumutunga ng whiskey. Simula no’ng sinabi niya sa akin ang pangalan niya ay para na akong timang na ngumingisi. Heck! Napaano ba ako? Bwesit.

Nakangisi akong umiling ‘tsaka tumayo na bago umupo sa kama ko. Pagkahiga ko pa lang ay mukha na niya ang naisip ko. Kaagad kong kinuha ang laptop ko at saka nag-search sa Google. Kabadingan na kung kabadingan. Corny na kung corny pero s-in-earch ko talaga kung paano maalis sa isipan ang isang babae.

Nalaman kong kuya niya pala ‘yong iniiyakan ni Madame Zine. Shit! Swerte ko naman. May dahilan na ako para makausap siya. 

“Hi!” Ginulat ko siya nang makatyempo akong lapitan siya. Umiinom siya ng tubig dito sa kusina ng mansyon ng mga Jung. Bumisita kasi si Ezz, iyong kuya niya, kay Madame Zine at narito naman ako dahil may iniutos ito sa akin.

Napalingon kaagad si Emm sa akin at lumunok bago ngumiti. Sumulyap ako sa mapulang labi niya.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin. Parang gusto ko ‘yong halikan kaya iniwas ko na.

“Ash, nandito ka pala?” tanong niya at lumapit sa akin. Naramdaman ko kaagad na parang naduduwag ako kaya napatingin sa suot ko. Presentable naman.

“Ah, oo. Kadalasan nandito talaga ako,” sagot ko na lang at napansin ang dumi sa noo niya. Kinuha ko ‘yon at pinahid sa damit ko. Nang magtama ang paningin namin ay naabutan ko na naman ang maamo niyang mga mata na tutok na tutok sa akin.

Fuck! 

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ano ba’ng nangyayari sa akin? Fuck it!

Hiningi ko ang number niya. I call her almost every day. Hindi naman siya nanghihinala pero ako nanghihinala na sa sarili ko. Kapag wala akong magawa, dina-dial ko kaagad ang number niya. Panay pa ang sulyap ko sa phone kung matagal siyang mag-reply kapag tini-text ko siya.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon