Chapter 23

16 4 0
                                    

Chapter 23


First Love


THE exam went good and smooth. Pakiramdam ko ay malaki ang makukuha kong score dahil lahat ng sagot ay napag-aralan ko. Sa tulong na rin ng pointers na binigay ng prof namin kaya napadali ang pagre-review ko. Pero pakiramdam ko lang naman. Joke. May tiwala naman ako sa utak ko kahit papaano, ‘no.

Nag-unat ako ng katawan at kinalabit si Jaydah na busy sa phone niya. Kung minsan pa nga ay humahagikhik siya na para bang kinikilig.

“Jaydah?” Kunot-noo kong sinilip ang pinagkakaabalahan niya sa phone niya. Nasa bench na kasi kami at hinihintay ko na lang si Abo. Dito kasi, madaling makita kapag galing ka sa BA campus. Isang sulyap mo lang ay makikita mo na ang hinahanap mo.

“Hmm?” Hindi man lang niya ako binalingan kaya sinilip ko na talaga ang phone niya.

Ano ba’ng pinagkakaabalahan ng babaeng ‘to?

Valderom Rosk is online.

Baby<3: tpos na exm mo?

You: opoooo ;)

Baby<3: good. nkasagot ka nmn di ba?

You: yeppp! ako pa. btw, imy :(((

Baby<3: i miss you too:) see u soon. out nako, nasa site ksi ako. nagpapahinga lng sandali. bye :*

Halos malaglag ang panga ko sa nabasa!

Si Val? Lumalandi? Kay Jaydah?! E’, paano si Telle?!

“K-Kayo na?” kinakabahang tanong ko kay Jaydah na malapad pa rin ang ngiti sa labi. Binaba niya ang phone niya at nilagay ‘yon sa bulsa niya.

Kumindat siya sa akin. “Hindi pa.” Humagikhik siya.

Napasinghap ako ‘tsaka nag-iwas ng tingin. Walang hiyang engineer ‘yon! Pumatol sa estudyante!

“N-Nagkikita kayo?” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Tumango siya ng mabilis. “Yes, ‘no! Ang g’wapo niya kaya! Magiging kami na for sure.” Tumingin siya sa kawalan na para bang nag-i-imagine. “Mga next month, kami na! Yes! Haha! Owemji!” Nangisay siya sa kilig kaya napangiwi ako at tinuon na lang ang atensyon sa gawi ng campus ng mga BA students.

Bakit iba ang nakikita ko sa kislap ng mga mata ni Val kapag si Telle ang kasama niya? Hmm…

Kaagad akong napatayo nang makita ang isa sa mga kaibigan ni Abo. Ngunit nagtaka ako nang mapagtantong walang ni anino ni Abo ang naaninag ko. Nagtatawanan lang ang mga kabarkada niya at naghahampasan ng balikat. Nilingon ko ulit ang campus nila pero wala talaga siya.

“Nasaan na ‘yon?” tanong ko sa hangin.

Magpapaalam pa sana ako kay Jaydah na hahanapin ko muna si Abo kaso may sarili siyang mundo. Pinagkibit-balikat ko na lang ‘yon at inayos ang sling bag ko at naglakad na papunta sa BA campus. Baka nag C.R. lang or kaya nasabit sa tsimisan? Tsismoso pa naman ‘yon, e’.

Habang naglalakad ako papunta sa room niya ay luminga-linga ako sa paligid. Baka nakalabas na ‘yon…

Stamáta, Ivi! Écho pollá provlímata edó, parakaló, káne ton eaftó sou os exaíresi!

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now