Chapter 32

13 5 0
                                    

Chapter 32


LDR


HINIPAN ko ang ilang hibla ng aking buhok at sinundan iyong tumama ulit sa noo ko. Hindi ko na kinulayan ng itim ang buhok ko. Nagustuhan ko, e’. Medyo bagay naman. Medyo lang naman.

“Ma’am, hindi pa ho kasi nagpapapasok ng bisita si Sir,” anang maid nila Tatay. Hindi ako makapaniwalang napakurap. Bisita?

“E’, Manang, anak po ako ng amo niyo-”

“Ang sabi po kasi, Ma’am, ay kung hindi raw taga rito sa mansyon ay kailangan pong magpaalam kami kay Sir bago papasukin,” malungkot na aniya.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Grabe… pati sariling anak, pinagbabawalan sa mansyon niya?

May kung ano akong naramdaman sa puso ko. Para itong sinasakal na ano. Damn. Ang sakit naman. Kaya isa ‘to sa dahilan kaya umiiwas ako kapag si Tatay na ang pinag-uusapan, e’.

“Pasensya na ho, Ma’am,” sabi ni Manang bago ako tinalikuran. Tulala akong tumalikod sa gate at dahan-dahang naglakad papalapit sa koche ko. Nilagay ko sa passenger’s seat ang dala at luto kong sandwich ‘tsaka pasta. Nakalagay ‘yon sa paper bag na dapat ay kay Tatay.

Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa kawalan. “Mukhang hindi niya naman ‘to kailangan, e’.” Marahas akong umiling at nangilid ang luha. Umalis na lang ako roon. Ibibigay ko na lang ‘to sa mga batang kalye. Total mas kailangan nila ito kaysa kay Tatay.

Huminto ako sa harapan ng isang side walk. May natutulog doong isang pamilya at kumot nila ay karton. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at lumuhod sa harapan no’ng bata.

Niyugyog ko ang balikat nito at ngumiti nang nagmulat ang mga mata niya.

“Hello, baby…” ngiti ko at pinunasan ang marumi niyang pisngi.

“S-Sino ka?!” Nagising ang ama nila kaya napaatras ako at tumayo.

“Ay! Kuya, hindi po ako masamang tao!” palag ko.

Mukhang hindi natinag si Kuya dahil humakbang siya papalapit sa akin. “K-Kuya, may dala po akong pagkain para sa i-inyo…” kinakabahang sabi ko.

Kaagad na lumambot ang itsura ni Kuya. Lumamlam iyon at tumingin sa hawak kong paper bag. Dahan-dahan ko ‘yong binigay sa kaniya at marahas niya iyong tinanggap at buong galak na ginising ang kaniyang asawa.

“May pagkain na tayo sa umagang ito! May pagkain na tayo! Anak!” Nabasag ang boses niya.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ba sila nakakakain ng maayos sa isang araw?

“Maraming salamat po, Ate!” anang isang batang lalaki. Sa tansya ko ay nasa mga thirteen years old na ‘to.

“You’re w-welcome…” nahihiyang sabi ko at umupo sa harapan nila. Nakaupo ako sa malamig na semento na siyang hinihigaan nila.

Pinagmasdan ko silang kumain. Ang saya nilang tingnan at naiinggit ako. Isang buong pamilya… na masaya at kontento sa kung ano ang meron sa kanila.

“Kuya, hindi po ba kayo nakakakain ng maayos sa isang araw?” tanong ko.

Lumunok si Kuya at tumango. “Naku, Ma’am. Swerte na kung may asukal sa isang araw!” aniya at kumain ulit ng sandwich.

Nakaramdam ako ng matinding awa. Asukal? Nakakabusog ba ‘yon?

Sinulyapan ko ang tatlong anak nila. Ang isa ay babaeng mukhang nasa eight or nine. Habang ang isa ay nasa mga three ata. Kumakain sila at nakangiti. Tumayo ako saglit para kunin ang tatlong mineral water na nasa back compartment ng koche ko. Binuksan ko iyon at pinainom sa bunsong anak nila.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now