Chapter 31

17 4 0
                                    

Chapter 31


Question


I COMBED my hair softly. Bagong ligo ako at natatawa sa trip ko ngayong buwan. Ano na, Emm? Harley Quinn ba kamo? Ayan! Mukha kang clay na nagkahalu-halo na. Haha!

Sa left side ng kalahati ng buhok ko ay blue, while sa kalahati naman, sa right side ay light red. Puti rin ang ibabaw ng buhok. Tanging sa anit lang ang may itim na hibla. Ngayon kami magbubunot ng magiging emcee sa programme kaya aalis din ako pagkatapos mag-ayos.

“Itatali kita dahil…” Pinusod ko ang buhok ko. “. . .mukha akong clay.” Natawa ako.

Mapilit kasi si Aria! Dapat kasi raw in character kaya pina-dye ko na lang ang buhok ko. Minadali ko na ang kilos ko dahil baka ma-late pa ako.

Pagkarating ko sa firm ay iniwan ko sa valet ang susi ng sasakyan ko bago ako tumungo sa office ng Engineering Department Head. Doon kasi gaganapin ang bunot para sa emcee.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Vintice. Naglalagay siya ng tubig sa tumbler niya. Nang magtama ang paningin namin ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Napangisi ako kahit na namumuo ang inis.

“Guilty… tss,” bulong ko at umiling bago nagpatuloy sa paglalakad. I can feel her stare at me but I just ignored it. Ayokong magsayang ng oras sa hindi naman worth it, ‘no.

“Hi, Architect. Upo ka na…” bati ni Architect Lopez, ka-batch ko lang ‘to kaya close kami. Nakakahiya dahil ako na lang pala ang hinihintay. Pati ang mga Engineer ay nandito na. Damn!

Kinindatan ako ni Aria nang makita niya ako. Ngumuso ako at umayos ng upo. Nilagay ko sa hita ko ang aking purse at tinuon ang atensyon sa head na niyuyugyog ang fish bowl.

Nagsiungulan sila, tensed.

“Wah! Ayokong maging emcee! Maiistorbo ang pag kain ko!” sigaw ni Architect Theriese, head ng Architecture Department. May pagka-chubby kasi siya at aaminin kong hobby niya ang pagkain.

“Sana hindi ako,” bulong ni Aria. Ngumisi ang head ng engineering at binuklat ang nakatuping papel. Akmang iaanunsyo na niya nang biglang tumunog ang pintuan, hudyat na bumukas ito. Napatingin kaming lahat doon.

“S-Sorry…” awkward na sinabi ni Vintice at umupo sa isang monoblock chair sa may likuran. Palihim akong umirap. Oo nga pala. Architect pala ‘to, akala ko higad. Opps! Pasmado.

Umikot din ang mga mata ni Aria. Alam niya kasi ang nangyari. Si Khing ay alam din. Pero mukhang napaka-professional niya para tanguan at ngitian si Vintice. Nakita ata ‘yon ni Aria kaya mas lalong sumama ang mukha niya.

“Oh, Architecture Department!” Natinag ako sa sigaw ng Head. Naku! Baka ako!

“S-Sir?! My God, naman, hindi ako marunong mag-emcee, shy type ako.” Pahina nang pahina ang boses ni Architect Mariano. Parang na-stiff neck akong lumingon ulit sa kaniya. May kaunting ngisi sa labi ko.

Ano raw? Shy type? Tama ba ang narinig ko? O, baka kailangan ko nang magtanggal ng tutuli?

Napayuko siya dahil sa tingin ko. Nakataas ang kilay ko at parang hinahamon siya. “Oh, baka siya ‘yan, Engineer. Shy type pa naman ‘to.” Natawa ako sa shy type.

“Shy type pala si Architect Mariano, ‘no?!” banat pa ni Aria at humalakhak na rin ang iba kahit na hindi alam kung ano ang pinupunto namin.

Nagpalitan kami ng makahulugang ngisi ni Aria. Shy type daw pero hindi na nahiyang mang-agaw. Pft.

“Architect de Marcedo! Hala. Mukhang mapupuno tayo ng tawa.” Napapalakpak ang head dahil si Mami Lou ang nabunot. Actually, ang totoo niyang name ay Louise pero dahil may pagkabinabae siya ay mas prefer niya raw ang Mami Lou. Nasanay narin naman kami, e’.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang