Chapter 7

22 4 0
                                    

Chapter 7

Selfish

TATLONG araw na at wala pa rin kaming nasasagap na impormasyon. Sabi ni Attorney Rosk ay mas lumala lang ang kalagayan ng lalaki. Ngayon ay nasa hospital kami ni Zine, Telle, at Sheywon na siyang naka-assign na mag-alaga sa lalaki. Nasa school pa kasi si Ash.

“Ano ‘to, Shey? Bakit mas palala nang palala?” tanong ni Zine. Nakita kong lumunok si Sheywon bago nagsalita.

“Uhm, someone injected him potassium and it can cause heart attack to human and any living things. Mabuti na lang at naagapan kaagad namin.” Napailing si Sheywon at nagkamot ng sentido.

“Siya ba ang pota sa potassium?” biglang sabi ni Zine na kinakunot ng noo naming tatlo. Nakatingin lang si Zine sa lalaki at mukhang seryoso sa tanong niya.

“Huh?” gulong tanong ni Sheywon.

“Wala. Potangina niya lang,” sagot ni Zine at nagkibit ng balikat.

Napanganga ako. “Nakita ba kung sino?”

Umiling siya at tiningnan ulit ang lalaking walang malay at putlang-putla. “Mabubuhay pa kaya ‘to, Shey?” tanong ni Zine kaya napangiwi ako.

Grabe talaga ang bibig nito.

“He needs to survive. Siya lang ang makakasagot sa mga questions natin-” Napahinto si Telle sa pagsasalita nang biglang tumunog ang phone niya. Tumingin siya sa amin. “Excuse me. I need to accept this call.”

“Sure,” ngiti ko.

Tumango siya. “Yes, Ate. . .” dinig kong sabi niya at tuluyan nang nakalabas sa room.

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa maaaring gumawa nito sa akin bago naisipang magpasundo na kay Kuya rito sa hospital. Speaking of sino nga ba? Wala talaga akong maalala na may galit sa akin. May pumasok na sa isip ko pero imposible. Masyado siyang mabait. . . si Jasmine. Hindi ko rin kasi maiwasang isipin na baka nagalit siya sa ginagawang paglapit sa akin ni Khing noong nakaraan. Pero sa wari ko naman, hindi ganoon kababaw si Jasmine.

Hindi. Hindi siya ganoon kababaw. She’s too innocent and clean.

Hindi naman siguro iyon maaari kaya pinagkibit-balikat ko na lang ang masamang ideyang iyon.

Nang dumating si Kuya ay sumakay na kaming dalawa ni Zine para makauwi. Sa passenger’s seat siya at ako naman sa backseat.

Umidlip ako buong byahe pabalik sa bahay dala na rin siguro sa pagod sa kakaisip kung sino ang may gawa no’n.

“Emm. . .” Naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko kaya napadilat ako.

“Hmm. . .”

“Gising na. Nandito na tayo,” malambing na boses ni Zine.

Umayos kaagad ako ng upo at nahihiyang tumingin sa kanila. “Sorry, nakatulog ako,” sabi ko bago sinabit sa aking balikat ang sling bag at ngumiti sa kanila. “Uhm, mag-iingat kayong dalawa, Kuya.”

Tumango si Kuya at seryoso akong tiningnan. “Huwag kang lalabas ng bahay kapag wala kang kasama, ah?” paalala niya pa.

“Oo, Kuya. Mauna na ‘ko. Ingat!” Lumabas kaagad ako ng sasakyan at pumasok na ng bahay. Marami nga’ng pinadalang guard si Tatay nang malaman niya ang nangyari kaya imposibleng mapasok ang bahay namin ng mga masasamang-loob.

Sinalubong ako ni Nanay ng mainit na yakap pagkapasok ko. “Ano, anak? Kamusta ang witness?”

Ngumiti ako ng pilit at umiling. “Mababa ang posibilidad na magigising pa ‘yon, ‘Nay.” Pabagsak akong umupo sa sofa at inihilig ang ulo. “May kung sino ang nagturok ng pang-heart attack kaya imbis na gumaling, lumala lang ang kondisyon niya,” dagdag ko na kinasinghap ni Nanay.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now