Chapter 13

17 3 0
                                    

Chapter 13


Someone


PAGOD na pagod ako pagkatapos gawin ang kahulihang plates ko. Tatlong buwan na lang at exams na at kailangan talagang tapusin ko na’ng maaga ang mga naiwan kong projects para sa gano’n ay wala na akong poproblemahin.

“Bes! Ay!” Napasimangot si Jaydah nang makitang tapos na ang plates ko. May dala pa siyang shake habang nakanguso. “Baka ako na lang ang hindi tapos! Si Valderom kasi, e’!” Bumungisngis siya na para bang kinikilig. “Palagi na lang akong iniistorbo.”

Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako para magkasya kami. Nilagay niya ang bag niya sa ibabaw ng mesa sa maarteng paraan.

Bakit kaya mahilig si Valderom sa maarte? Hmm.

“Tatapusin ko na talaga ‘yong sa’kin mamaya! Hays! Ang sarap naman kasi kausap ni Val, e’,” pagsasalita niya sa sarili kaya napamaang ako.

“Masama na ‘to,” bulong ko sa hangin at uminom na lang ng mineral water. Habang umiinom ako ay halos maidura ko ‘yong tubig nang makita si Khing sa kabilang table at titig na titig sa akin.

Napaubo ako.

“Bes, okay ka lang?” tanong ni Jaydah at hinagod ang likod ko.

Wala sa sarili naman akong tumango. “O-Oo. . .” Napakunot ang noo ko dahil sa titig niya.

Kapagkuwan ay ngumiti siya at biglang tumayo dala ang tray ng pagkain. Sinundan ko siya ng tingin at namalayan ko na lang na nasa harapan na chair ko na siya, nakaupo.

Napakurap-kurap ako ng mga ilang beses, kung hindi lang kinurot ni Jaydah ang tagiliran ko ay hindi ako makakabalik sa ulirat.

“K-Khing? Bakit nandito ka?” Marahas akong umiling at uminom ulit ng tubig.

Nakakaloka naman ang lalaking ‘to.

“Uhm, because I want to see you,” simpleng sagot niya at kumain ulit.

Nilunok ko ang tubig ‘tsaka nanghihinala siyang tiningnan. “Talaga? Nandito naman si Kuya Dado kaya magiging maayos lang ako,” sabay muwestra ko sa kamay ko sa direksyon ni Kuya Dado na nasa malapit lang na table namin.

Tumingin siya ro’n at napatango-tango. “I see. . . You don’t need me.”

Tumango rin ako. “Yep. Thanks but no thanks. Kuya Dado can handle me at. . . alam kong marami ka pang trabaho.”

Tumango rin siya at biglang tumayo. Napatingala kami ni Jaydah sa kaniya. Nakita kong nagtiim-bagang si Khing bago nagsalita. “Fine. I’ll leave,” tapos naglakad na siya papaalis.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Baka ‘pag nakita kami ni Abo na magkasama, baka kung ano pa ang isipin ng lokong ‘yon.

DAHIL ako lang naman at si Kuya Dado at iba pang bodyguards ang natira sa bahay nang makauwi ako, napag-isipan ko na lang na mag-bake. Umalis kasi si Nanay para kausapin ang pamilya ng lalaking binugbog ni Abo at Khing. Wala naman kasing ina si Abo kaya si Nanay na lang ang present do’n.

“Okay. . .” Huminga ako ng malalim at kinuha ang mga kakailanganin na gamit at ingredients sa pagbe-bake. Ganoon na lang ang pagkangiti ko nang makitang walang kulang sa mga gagamitin ko.

Naghanda ako ng dalawang malalaking steel bowl at hiniwalay ang puti at pula sa itlog. Pagkatapos no’n ay nilagay ko sa mga maliliit na plato ang mga dry ingredients, sa ibang bowl naman ang mga wet. Pagkatapos gawing plain icing ang white ng itlog ay pinaghalu-halo ko na lahat at nilagay sa oven.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon