Chapter 39

16 4 0
                                    

Warning: Read at your own risk, please.


Chapter 39


Naughty


WALA sa sarili akong napadaing nang makaramdam ng malamig na bagay ang dumampi sa leeg ko. Kaagad akong napamulat dahil doon. Pagkamulat ko ay nakita ko ang ulo sa may leeg ko kaya sa gulat ko ay malakas ko itong naitulak palayo.

“Aray naman!” boses ni Abo. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa kabang naramdaman. Kaagad din namang nawala ‘yon at napalitan ng kirot.

Naalala ko na naman ang nangyari. Ano ba’ng nangyari sa akin?

“N-Nasaan. . .” Napatingin ako sa paligid. Namilog ang mga mata ko dahil napupuno ng sunflower painting ang buong paligid. Nasa king size na kama ako at pati ang blanket ay kulay yellow. Ang dingding ay may nakadikit na sunflower.

“Ano ‘to, Abo?” tanong ko at umupo ng maayos sa kama. “Bakit nahimatay ako?Ano ba’ng nangyari sa akin? Si Aesha? Bakit niya ginawa ‘yon?” sunod-sunod kong tanong. Napatingin ako sa kaniya. He’s just looking at me warmly, may kaunting ngiti sa labi.

Nag-iwas ako ng tingin. Nagtatampo ako sa kaniya.

“Tara.” Naglahad siya ng kamay kaya napasulyap ako roon.

Tinaas ko lang ang isang kilay ko at inirapan siya. Ako na mismo ang tumulong sa sarili ko para makabangon. Kairita, bahala nga siya riyan.

“Baby. . .” tawag niya sa malambing na boses. Kamuntikan pa akong bumigay pero pinigilan ko. Bakit ba marupok ako? Tsk. . . nevermind that question. Marupok ka rin naman pala, ba’t tinanong pa kita. Hays. High-five nga, ka-co-marupok.

“Emm, sorry na kasi,” aniya pa at hinawakan ang siko ko. Lalabas sana ako sa kwartong ‘to pero hindi ko alam kung kaninong bahay ‘to o kung nasaan man ako. Baka makasira pa ako ng bagay at mawala ako rito.

“Okay,” malamig kong sinabi.

Malakas siyang bumuntong-hininga at tumayo. Lumapit siya sa akin at bigla akong binuhat, bridal style pa!

“H-Hoy, ibaba mo nga ako! Abo, ano ba?!” Nagsisimula na akong mainis dahil sa ginagawa niya. Napansin kong bumababa na siya ng hagdanan kaya matapang kong inabot ang balustrade sa gilid at mahigpit doong kumapit. Napahinto siya at muntik na kaming mahulog sa hagdanan. Kinabahan ako pero nagmatigas talaga ako.

“Ibaba mo ako!” malakas kong sigaw.

“Tss! Babe, ano ba, bumitaw ka nga! Baka mahulog tayo-”

“E’, ano naman ngayon?” Mas hinigpitan ko ang hawak ko at halos mabali na ang leeg niya sa pagkakatagilid dahil nadidiin ang siko ko sa gilid ng leeg niya.

“Mahuhulog nga tayo!” Namula siya, naiinis na ata.

“Ibaba mo ako!” giit ko pa pero hindi niya ako pinakinggan, sa halip ay sinundot niya ang tagiliran ko gamit ang daliri niya na nasa baywang ko! Free na free siyang gawin ‘yon dahil nasa baywang ko lang ang kamay niya!

Shit! Nakikiliti ako, lintek!

“A-Aray — Haha! Abo, ano ba!” natatawa kong saway. Gusto kong hawiin ang kamay niya pero ayoko ring bumitaw sa hawakan!

“Bitaw na. Isa!” nagbabanta niyang sabi.

“Dalawa!” dugtong ko. Mas kiniliti niya pa ako kaya malakas akong napatili! Shit talaga!

“Tatlo! Damn! Emm, bitaw na nga!” naiirita na talagang aniya kaya napanguso ako at dahan-dahang binitawan ang balustrade. Hinalikan niya ako sa pisngi bago nagpatuloy sa pagbaba. Malaki ang bahay, ah? Bahay ba ‘to or hotel? Hmm. . . Parang mansyon na kasi saka classic ang designs. May engrandeng chandelier pa.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now