Chapter 24

18 4 0
                                    

Chapter 24


Celebration


NAGTIWALA ako kay Abo. Ganoon pa rin naman siya sa mga sumunod na araw, linggo, at buwan. Walang nagbago sa amin at masaya ako ro’n. Palagi siyang open sa mga problema niya at handa naman akong i-comfort siya.

Dumating ang araw na malalaman ang resulta ng exams. Kabadong-kabado ako kahit alam ko namang papasa ako. Hindi ako nagkulang sa mga projects, quizzes, at iba pa. Napunan ko ang kulang ko no’ng napadpad ako sa Davao at ayos na lahat ‘yon.

“Owemji, I feel like vomiting in nervousness!” Pinisil ni Jaydah ang kamay ko habang hinihintay na idikit ang result sa bulletin board. I’m a Dean’s lister at ayos lang kahit hindi ako ang nauna sa listahan ngayon. Basta pasado.

“Kinakabahan ako. . .” Nanlamig ang mga kamay ko sa sobrang kaba.

“Ano? Why are you nervous? I mean, you should be proud of your intelligence!” Pampalubag ng loob ni Jaydah na gumana naman. Nabawas-bawasan ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

“T-Thank you. . .”

Ngumiti lang siya ‘tsaka namimilog ang matang tumingin sa harapan namin. Napatingin din ako ro’n sa pagtataka at kaagad na nilukumos ng kaba nang makitang dinidikit na sa board ang mga resulta.

“Oh, my God. . .” Pinisil ko ang sariling palad.

“Hali ka na, bes!” Hinila ako ni Jaydah patayo kaya wala akong nagawa kun’di magpatianod na lang at nakagat ang pang-ibabang labi.

“Fourth Year, Architecture. . . Fourth Year, Architecture — Eto! Owemji!!!” Huminga siya ng malalim habang ako ay pasimpleng hinanap ang pangalan ko sa listahan. Please. . . please. . . God.

4th Ruil, Emm Yeindreigh, H.

Nabunutan ako ng tinik sa nabasa ko. Hindi ko rin maiwasang mapangiti ng malapad at hinanap ang fourth year Business Administration. Pang-ilan kaya si Abo? ‘Tsaka, bakit late ‘yon? Akala ko papunta na siya.

“Excuse me, po. . .” Dumaan ako sa nagkukumpulang tao.

Nang makita ko ang listahan nina Abo ay kaagad akong tumingkayad para masilip ‘yon. Nagsimula ako sa baba hanggang sa taas pero wala pa rin ang apilyedo niya.

Imposible. . .

“Potek! Ang baba ng grades ko, kasing baba ng pag-asa na maging kami!” May narinig pa akong sumigaw no’n.

“Luh, bagsak ka na’t lahat-lahat, humuhugot pa. Haha!”

1st Ergocal, Ash Temir

“Wow. . .” Nanuyo ang lalamunan ko at kinusot ang aking mga mata. Natatapakan na ng mga ibang estudyante ang sapatos ko pero pinagsawalang-bahala ko lang ‘yon at binasa ulit ang nasa listahan.

“Woi, Ruil! Congrats sa inyo ni Ash, ah!” May tumapik sa balikat ko dahilan para mapaiktad ako at napakurap.

“H-Ha?”

Ngumiti ang isa sa mga kaibigan ni Abo. “Sana all, relationship goals!” halakhak niya at kinindatan ako bago umalis.

Hindi makapaniwalang napangisi ako.

“Oh, God. . .” Gusto kong magtalon-talon sa saya para kay Ash!

Worth it ang pagiging busy niya, ang pagpapagod niya, at ang pagsasabay naming mag-review!

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now