Chapter 35

21 4 0
                                    

Chapter 35


Apology


ANG lahat ng plano ni Abo ay naudlot. Kaya pala inis na inis siya na hindi natuloy ang lunch naming tatlo dahil may pinaplano pala siyang kabulastugan. Kaya pala payag na payag siya na sumama ako dahil may binabalak ang hinayupak.

“Sira! Paano kung pagchismisan kayo? Mag-isip ka nga! Mabuti na lang talaga hindi natuloy.” Sumimangot ako at nagpatuloy sa pag kain. Kanin ‘tsaka gulay ang ulam namin. Nasa isang restaurant kami dahil ayaw niya raw kumain sa cafeteria. Para raw kasing pang-hospital ang mga pagkain.

“Sus! Parang sasabihin ko lang na inagaw ka niya sa akin!” Yes, isisigaw niya raw sa buong café na inagaw ako ni Khing. Hays!Ewan ko ba kung may saltik ba ‘to o ano?!

“Huwag ka nga. Mas mabuti pang suntukin mo na lang siya kaysa siraan,” saway ko kaagad. Baka mamaya ituloy niya pa, e’. Magkakagulo na naman imbis na maayos-ayos na ang lahat.

“Oh, e ‘di pupuntahan ko na ang gagong ‘yon at pagpipirasuhin ang mukha!” Maangas siyang tumayo na para bang desidido siyang puntahan talaga si Khing. Sinamaan ko siya ng tingin kaya kumalma siya at umupo ulit.

Nabigla ako nang dumukwang siya at pinunasan ang gilid ng labi ko. I smiled wickedly and licked his thumb playfully. Nagulat siya at pinandilatan ako. “Kapag ako talaga ang didila sa’yo, mapapaungol ka sa sarap,” aniya pa at pilyong ngumiti bago humigop ng sabaw. He even groaned seductively na para bang sarap na sarap siya… sa sabaw.

Sa sabaw! Ano ba?!

Nagpatuloy na lang kami pareho sa pag kain at hindi inalintana ang init ng panahon. Pinagpapawisan ata kili-kili ko. Alam niyo, minsan napapaisip ako. ‘Yong mga tao, kapag mainit, panay reklamo. Kapag mahangin naman, nagagalit at nagpo-post agad sa Facebook ng, ‘Ano, Sangre Amihan? Sirain mo na bubong namin! Nahiya ka pa!’. O kaya naman, ‘Elsa niyo galit.’.

Alam niyo? Ang gulo niyo!

Kapag maulan naman, nagrereklamo sa baha! Hays! Naii-stress ako sa inyo.

Pero anyways, mainit talaga.

“Babe, ang init…” reklamo ko ‘tsaka ininom ang orange juice ko. Kakatapos lang naming kumain at aalis na rin kami maya-maya.

“Oh? Naiinitan ka?” Nagtaas siya ng kilay at mukhang nag-aalala sa akin.

Ang sweet talaga ng boyfriend ko.

Parang bata akong tumango. “Hm-mm…” nguso ko pa, nagpapa-cute.

“Pake ko? ‘Di naman ako electric fan para pahanginan ka kapag naiinitan ka,” barumbadong sagot niya kaya kaagad na napalitan ng naiinis na ekspresyon ang mukha ko.

Walang hiya!

“E ‘di, maghuhubad na lang ako.” Isa-isa kong tinanggal ang butones ng blouse ko. Nagbibiro lang ako, ‘no. Huhubarin ko pero may tube naman sa ilalim ng blouse ko kaya hindi naman makikita ang kaluluwa.

“E ‘di, maghubad ka…” aniya na nasa malayo pa rin ang paningin. Ngumisi ako ‘tsaka tinupi ang nahubad kong blouse ‘tsaka padabog ‘yong nilapag sa mesa. Napatingin siya roon at kaagad namilog ang mga mata.

Pinaypayan ko ang sarili ko at tinali ang buhok. Wala bang aircon ang restaurant na ‘to? Nalulugi na ba ‘to o ano?

“Ano ‘yan?!” Nagising ako sa katotohanan nang marinig ang sigaw ni Abo. Pinagtinginan kami. What’s new? Dahil sa bunganga niya ay pagtitinginan talaga kami.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now