Chapter 19

10 5 2
                                    

Chapter 19


She’s Falling


HINDI ko mapigilang mapaiyak ng malakas dahil sa sinabi ni Abo. Ano ‘yon? Ipapaubaya niya ako? Ganoon lang? E’, alam niya naman na siya talaga, e’. Bakit kailangan niya pang sabihin ‘yon, e’, alam niya namang masasaktan ako?


“G-Gagawin mo ‘yon?” kinakabahan kong tanong.

Nakita kong lumunok siya at parang napipilitang tumango. “O-Oo, gagawin ko-”

“Pero ‘di ko gusto ‘yon, Ash.” Nangatal ang boses ko at hindi siya hinayaang magsalita, sa halip ay niyakap ko siya sa baywang ng mahigpit. “Huwag naman gano’n, Ash…”

Napahagulgol ako sa dibdib niya.

Hinagod niya ang likuran ko. “Shh… Sinasabi ko lang naman, babe. Baka kasi naguguluhan ka sa nararamdaman mo kaya binigyan kita ng pagkakataon na mag-isip-isip-”

“Pero ikaw naman ang pinipili ko, e’!” Sinuntok ko ang likod niya.

“Aray. Oo na… Sorry sa nasabi ko.” Hinalikan niya ang noo ko at niyakap din ako ng mahigpit.

“Kinabahan ako sa sinabi mo, alam mo ba ‘yon?!”

“Hindi.”

Humiwalay kaagad ako ‘tsaka pinukol siya ng masamang tingin habang nagpapahid ng luha. “Char lang! Eto naman!” aniya at malambing akong niyakap.

Pero totoo… kinabahan talaga ako.

Eight AM nang umuwi kami para mag-breakfast. Ang plano lang namin ngayon ay mag-review para sa exam next week. Habang papauwi kami ay kinakanta niya na naman ang Dreaming of You.

Napakunot ang noo ko ‘tsaka curious siyang tinanong.

“Favorite song mo ‘yan?” patukoy ko sa kanta. Napahinto siya sa mahinang pagkanta ‘tsaka tinukod ang siko sa bintana at nilaro ang pang-ibabang labi habang ang isang kamay ay nasa manibela.

“Noon, hindi. Pero no’ng makilala kita, gustong-gusto ko na ang kantang ‘yon.” Mahina pa siyang natawa na para bang nagjo-joke siya.

“Ha? Paano ‘yon?”

Nilaro na naman niya ang pang-ibabang labi gamit ang index finger at hindi ko maiwasang hindi tingnan ‘yon. The red lips of him… pointed nose, ash-gray eyes, stubborn jaw line, and perfect skin… Damn this man.

“-kaya ayon, favorite ko na,” aniya at sumulyap sa akin. “Babe?”

“Hmm…” Nakatitig pa rin ako sa nakakaakit niyang labi.

“Babe, nasagot ko na ang tanong mo.” Tinuon niya ang atensyon sa kalsada kaya napaiktad ako at nagising sa pagdi-daydream ko. Ano raw?

“H-Ha?”

Bumaling na naman siya sa akin at nag-snap ng daliri. Napakurap na naman ako at parang nahihilo sa kakatitig sa mukha niya. “Babe, napaano ka? Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya.

Napaiwas kaagad ako ng tingin at lumunok. “A-Ah… ano… oo! Haha! Ayos lang ako… babe.”

“Hmm? Para kasing lutang ka,” nanghihinala niya pang sabi na nasa kalsada na naman ang paningin.

“Lutang na naman ako palagi, ah?”

“Ay!” Malakas siyang natawa. “Oo nga pala!” Lumapit pa siya para lang mahalikan ako sa labi. Kaagad ko naman ‘yong tinugon at mabilis na inilayo ang mukha ko. “Pabitin, amp,” pagtatampo niya kuno ‘tsaka nagmaneho na.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now