Chapter 30

19 4 0
                                    

Chapter 30


Sold


MALAKAS akong humugot ng hininga at marahas naman ‘yong pinakawalan. Damn. Parang kahapon lang nangyari ang three years ago, ah? Bakit parang kahapon lang ay sobra-sobra akong umiyak?

“Hey!” Napatalon ako nang may biglang humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likuran. Sinapo ko ang dibdib ko sa gulat at masamang tingin ang pinukol ko kay Khing.

“Nakakagulat ka naman!” inis kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa mukha. Mahaba na rin ang buhok ko. Magpagupit kaya ako?

“Out ka na? Magre-ready pa raw sila sa darating na Halloween party, e’,” aniya at kinuha ang purse ko. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair.

“Okay. Mag-a-out na ‘ko. ‘Tsaka… uuwi ako ng maaga, birthday ni Nanay, e’. Paniguradong nando’n si Zine at Kuya, lalo na si Ziren,” nakangiting sabi ko at pinindot ang down button ng elevator. We used to this. Ayos na kami — as in wala nang malisya!

“I’m sorry for destroying your happiness, Emm. Ayos na ako.” He smiled genuinely. “Mahal pa kita pero… pipilitin ko’ng kalimutan ka and alam ko naman na kaya ko. Kaya ko…” Tumango-tango siya, kinukumbinsi ang sarili.

K-Khing…” gulat ko pa ring sabi. Akala ko kung ano ang pag-uusapan namin sa loob ng office niya, mag-a-apologize pala siya. Darn!

Emm, I’m begging for your forgiveness-”

“No! No need, oh gosh…” Napasapo ako ng noo dahil akma na siyang luluhod sa paanan ko. “Okay na ‘yon. Okay na.” Balisa akong ngumiti.

Well that was two years ago.

“And you can stop, too, for dinner. Kami lang naman nina Kuya kaya iimbitahan na sana kita,” singit ko.

He heaved a sigh. “Damn. . . May lakad ako ngayong gabi. Maybe next time?”

Tumango ako at ngumuso. “Hmm. . . Parang kilala ko na kung sino ang kasama mo sa lakad na iyan.” Ngumisi ako at napailing naman siya sabay ngiti.

Architect Arianna, hmm! Bakit parang napakamasekreto ng babaeng iyon?!

“Mag-ingat ka, ah?” aniya at tinapik ang pintuan ng sasakyan ko. Ngumiti ako at tumango bago pinaandar ang makina at nagmaneho pauwi ng bahay.

Napangiti ako ng mapait. May naalala akong isang taong parati kong kasabay noon. We used to go home together back then…

“Shit!” mura ko at pinilig ang ulo. Napapadalas na naman ang pag-iisip ko sa kaniya — actually and honestly, hindi naman talaga ako natigil sa kakaisip sa kaniya. Bawat segundo ay naiisip ko siya. Those happy moments, those smiles, and those ash-gray eyes. I miss — damn, no! Hindi! Tapos na ako, okay?!

“Baliw!” sabi ko sa sarili. Totoo naman. Baliw na talaga ako!

Sa pag-iinarte ko ay hindi ko namalayang nasa labas ng bahay na pala ako. Bumaba kaagad ako at nagliwanag ang mood nang makita ang sasakyan ni Kuya. Tumatakbo akong pumasok at kaagad na hinanap ng mga mata ko si Ziren.

Nang maaninag ko siya ay kaagad akong lumuhod sa harap ng sofa at pinupog ng halik ang buo niyang mukha. She’s already five years old at sa totoo lang, walang mapagsidlan ang kamalditahan!

“Ew, you haven’t brush your teeth yet,” reklamo niya at pinunasan ang buong mukha. Napanguso ako ‘tsaka kinurot ang pisngi niya.

“Ikaw, ah? ‘Di mo na love si tita, ‘no? Kasi big girl ka na?” pagtatampo ko pa pero inirapan lang ako. Aba! Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Jusme!

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now