Chapter 6

33 4 0
                                    

Chapter 6


Villain


“HAPPY monthsary!” malakas na bati ni Abo nang makapasok kami sa bahay nila. Namilog ang mga mata ko kasabay ng malakas na pintig ng puso ko.

“A-Ash,” hindi makapaniwalang kong naiusal.

Kinuha niya ang dark forest cake na nasa center table at nilahad sa akin ng nakangiti. May nakasulat na ‘Happy 3rd Monthsary, Emmy!’ sa cake. Napupuno rin ng kulay pulang puso na balloon ang buong sala nila at may balloons na bumuo ng salitang, "HAPPY MONTHSARY EMMY".

Parang natunaw ang puso ko sa sorpresa niya kaya nakangiti at naluluha kong tinanggap ang cake. It’s his fourth time to surprise me pero heto pa rin ako at hindi nagsasawa.

“Thank you, babe. . .” malambing na sabi ko at natawa nang makita ang isang bouquet ng white roses. “Ang sweet mo at corny at the same time!” kinikilig ko pang sabi sa kaniya. Kaya pala ang laki ng galit niya nang nakalimutan ko, may sorpresa pala.

Ngumisi naman siya na para bang siya na ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa. “Ha! Baka si Ash Temir ‘to?” mayabang na aniya kaya umismid ako at lumapit sa kaniya. Niyakap ko ang kaniyang leeg ‘tsaka hinalikan siya sa pisngi.

“Sorry. . . Inaway pa kita kanina tapos hindi ko naalala na monthsary pala natin.” Ngumuso ako. “Nasuntok ka pa,” sabay tingin ko sa medyo namamagang pisngi niya.

Ngumiti lang siya. Hindi nambubwesit na ngiti kun’di matamis na ngiti. “Sorry, nasigawan kita — basta, babe, pangako.” Hinawi niya ang mahabang side bangs ko at sinabit iyon sa aking tainga.

“Ano ‘yon?” Nagtaas ako ng kilay. Nasa leeg niya pa rin ang braso ko at ang kaniya naman ay nakapulupot sa aking baywang.

“Kapag galit ka, hindi ako magagalit para kahit papaano ay may isang magso-sorry. Kapag ako ang galit, huwag ka namang magalit din!” Mas lalong tumulis ang nguso niya. “Dapat may isang kalmado para may magso-sorry,” parang batang aniya kaya napangiti ako at tinitigan ang mala usok niyang mga mata.

“Oo ba. Kalmado naman akong tao at. . . sige. Deal. Dapat hindi ako galit kapag galit ka.” Natawa ako dahil para kaming mga bata.

“‘Wag kang tumawa! Para ka namang nagbibiro niyan,” naiinis na aniya kaya sumeryoso ako.

“Oo nga, promise.” Tinaas ko pa ang isang kamay ko na para bang nanunumpa ako.

“Babe?”

“Hmm?”

“Walang iwanan, please?” Puno ng pagsususmamo ang boses niya.

Napakunot ang noo ko. “Oo nga. . . Bakit ba natatakot ka?”

Ngumiwi siya bago ako pinitik sa noo. “Aray!”

“Wala ka talagang common sense, babae ka!” nakangiwing aniya kaya napanguso ako at hinimas ang noo kong masakit sa pitik niya.

“Ano ba ‘yon? Para ka namang tanga, e’-”

“Ha? Ano ako?” Pinandilatan niya ako.

“Tao. Bakit, ano ka ba? Baboy?” Umirap ako at binitawan siya at nag-slice na lang ng cake sa center table.

“Ano — Nakakainis ka talaga, Emmy!” aniya at umupo sa sofa at pinaandar ang TV. Napapantastikuhan pa akong napatingin sa kaniya nang hininto niya ang channel sa Nick Jr. at Peppa Pig pa!

“Talaga lang, ah? Peppa Pig pa?! Ewan ko sa’yo, Abo.” Umupo na rin ako sa sofa dala ang platong may lamang slice ng cake at tinidor. Kumuha ako ng kaunti at sinubuan si Abo.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now