Chapter 28

19 4 0
                                    

Chapter 28


Gems


A YEAR have passed. We became a duo. We became successful. I became a better woman in the middle of his success. We became a good couple. We celebrated when he passed the board, so as mine. Masaya ako. Nasanay ako na araw-araw niya akong binibisita sa firm na pinagtatrabahuan ko Actually, nasa cafeteria nga ako ngayon at hinihintay siya.

Nakanguso ako habang nasa ibabaw ng mesa ang aking dalawang siko. Hawak-hawak ko ang phone ko at hinihintay siyang mag-text.

Nasaan na ba ‘yon?

Halos mapaiktad ako nang may humalik sa aking pisngi. Damang-dama ko pa ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Hinihingal at amoy na amoy ko ang bango.

“Sorry, babe, I’m late. Bumabaha ng meetings, e’,” aniya at umupo sa harapan ko. He smiled shyly, feeling sorry.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ng matamis. Napabuga naman siya ng hangin, hinihingal. Mukhang tinakbo niya ang elevator patungo sa canteen, ah?

Napangiti ako ro’n.

Inayos ko ang pagkain namin at nilagay iyon sa harapan niya. “Sana sinabi mo na lang na busy ka…” aabi ko sa kalagitnaan ng pag kakain namin.

Nilunok niya muna ang pagkain bago tumingin sa akin ng mataman. “No. Baka magtampo ka…” aniya.

Kinilig naman ako roon. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. I was just staring at him the whole time. Napapanganga ako at hindi na halos magalaw ang pagkain.

The way his arms move is sexy to me. Lumilitaw ang malalaking ugat sa kamay niya. Napansin kong mas naging matured ang katawan niya. Mas humulma ang katawan, gano’n. Hmm…

“Uhm, hi, Architect…” isang boses ang narinig ko. Napaangat ako ng tingin do’n at kaagad na kumulo ang dugo nang makita si Vintice, isa sa mga Architect dito sa firm namin.

Kung kanina ay naiinitan ako, ngayon ay kumukulo na talaga ako. May pagkamalandi kasi ‘to. Sorry, ah? Nagsasabi lang ng totoo at kapansin-pansin ang malagkit niyang tingin kay Abo.

Ni hindi man lang siya tiningnan ni Abo, nagpapatuloy lang ito sa pagkain.

“Hi, Architect Mariano!” peke kong ngiti sa kaniya. Ngumiwi pa siya bago bumaling sa akin. Aba? Ako ang tinawag niya pero na kay Abo ang paningin? Duh!

“Hmm… pinapatawag ka ni Engineer Jung,” nakangiwing aniya. Napakunot naman ang noo ko.

Bakit pinapatawag ako ni Khing?

Natigil sa pag kain si Abo at tumingin sa akin, nagtatanong. “Bakit, Emm? May project kayong magkasama?” tanong niya.

Gulo naman akong umiling. “Wa-Wala naman…” Matagal na kaming ayos ni Khing, pero iniiwasan ko pa rin siya. Hindi naman sa ambesyosa ako na mahuhulog ulit siya sa akin pero mas mabuti na ang sigurado. Napapansin ko rin kasi na nagiging iba ang mood ni Abo kapag narinig niya ang pangalan ni Khing.

“Hoy, Architect Ruil, huwag ka ngang magsinungaling kay Ash…” malanding hirit ni Vintice. Mas lalo lang kumulo ang dugo ko. Pakiramdam ko nga ay uminit ang mukha ko sa sobrang pagkairita.

Padarag akong tumayo para harapin siya. Napatingin sa akin si Abo at itong si Architect Mariano. “Alam mo, Architect, hindi ako nagsisinungaling, e’ — at higit sa lahat hindi ako sinungaling.” Nagtiim-bagang ako at marahang hinaplos ang pisngi niya.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now